Filipino Veterans Bill sa US Congress
Mga mambabatas itutulak ang equity pension para sa mga beteranong Filipino sa US
Isang maliit na grupo ng mga kongresista ang magtutungo sa Amerika sa Abril upang hikayatin ang Kongreso ng United States na aprubahan ang panukalang batas na matagal ng nakabinbin para sa benepisyo ng mga beteranong Filipino ng World War II.
Ang delegasyon na kinabibilangan ng apat na kongresista ay pamumunuan ni Zambales Rep. Antonio Diaz, pinuno ng House committee on veterans affairs. Kasama sa grupo sina Reps Roman Romulo (Pasig City), Jose Solis (Sorsogon), at Rufino Rozzano Biazon (Muntinlupa City), senior vice chair ng House committee on national defense.
Kasama ng mga kongresista na magtutungo sa US si Undersecretary Ernesto Carolina ng Philippine Veterans Affairs Office at isang kinatawan ng Veterans Federation of the Philippines.
Sa US, makikipagkita ang delegasyon kay US Speaker Nancy Pelosi at mga kasapi ng US Congress, at mga lider ng Filipino veterans organizations sa US.
Inilarawan ni Diaz ang kanilang misyon sa US bilang “last-ditch effort of the Philippine government to awaken the sincerity of the American people to pay their obligations to Filipino veterans who fought in Bataan and Corregidor during World War II."
Ihahatid din ng mga kongresista ang pasasalamat ng mga Filipino kina US Sens Daniel Inouye at Daniel Akaka, at Rep. Bob Filner. GMANEWS
Labels: diaz, US VETERANS BILL
0 Comments:
Post a Comment
<< Home