3 Senador Lulusob sa Subic
Abante – Boyet Jadulco
Lulusob sa Subic Bay Freeport ang ilang senador upang makita ang kontrobersyal na high-rise condominium na itinayo sa pusod ng kagubatan ng dating base military. Isang on-site inquiry and itinakda ni Sen. Pia Cayetano, chair ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, upang mabisita ang kontrobersyal na condominium na ipinatayo ng Hanjin Heavy Industries and Construction Ltd.

Makakasama ni Cayetano sa paglusob sa Subic sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Loren Legarda, kapwa may akda ng resolusyon upang maimbestigahan ang posibleng paglabag sa environmental laws sa pagpapatayo ng condominium.
Bingyang-diin ni Legarda na hindi niya mapapalagapa ang ginawang pambababoy sa kagubatan ng Subic para lamang mapagbigyan ang kahilingan ng isang dayuhang investor.
Sinabi naman ni Zubiri na wala nang magagawa ang senado para ipagiba ang naturang condominium subalit kailangan umanong panagutin ang sinumang opisyal na nagbigay ng pahintulot para sa pagpapatayo ng gusaling ito.
“Dapat sibakin ang nagbigay ng permit na ito,” wika ni Zubiri.
Idinepensa naman ni Sen. Richard Gordon, dating chair ng SBMA, ang pagpapatayo ng condominium dahil matagal ng putol ang mga puno sa nasabing lugar noon pang panahon ni dating SBMA chief Felicito Payumo.
Ang nagging pagkakamali lang umano ng SBMA at ng environmental officer ay nang bigyan ng pahintulot ang pagpapatayo ng condominium na lagpas pa sa taas ng torso sa nasabing bundok.
Labels: environment law, hanjin condominium, sbma
0 Comments:
Post a Comment
<< Home