Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, May 24, 2008

AGAPAY SA MGA TB PATIENTS

Tinanggap ni City Mayor ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang medical assistance na ipinag-kaloob ng ‘’Good People International’’ at ‘’Korea International Cooperation Agency (KOICA)’’ para sa mga Tuberculosis (TB) diagnosed patients ng Olongapo.

Sa pangunguna ni Rev. Pastor David Bang, officer-in-charge ng ‘’Good People International’’ ay limang (5) kartong puno ng antibiotics kabilang na ang Rifampicin at Isoniazid mga pangunahing gamot laban sa Tuberculosis ang tinanggap ni Mayor Bong Gordon kasama si City Health Office Head Arnildo Tamayo at Dr. Brian Patrick Tubban.

‘’Malaking tulong sa mga TB patients ang mga gamot na ipinarating ng ‘Good People International’ at ‘Korea International Cooperation Agency’. Patuloy pa rin tayong kukuha ng mga grants buhat sa ibang bansa upang sa gayo’y maging tuloy-tuloy ang inyong gamutan,’’ wika ni Mayor Gordon sa mahigit isaandaang (100) TB patients na pangunahing makikinabang para sa kanilang anim (6) na buwang gamutan.

Maliban sa mga antibiotics ay nag-uwi rin ng tig-isang sakong bigas ang mga beneficiaries, ‘’Maliban sa
tuloy-tuloy na pag-inom ng mga antibiotics ay kinakailangan rin na malakas ang resistensiya ng mga TB patients kaya naman karagdagang one (1) cavan of
rice ang hatid ng Good People International at KOICA,’’ pahayag ni Dr. Tamayo.

Sa ngayon ay may mahigit apatnaraang (400) TB patients sa lungsod ang regular na nakakatanggap ng antibiotics buhat sa City Government sa pamamagitan ng City Health Office. Regular rin ang monitoring na isinasagawa sa mga ito upang higit na matutukan sa loob ng anim (6) na buwang gamutan o higit pa kung kinakailangan.

Ang Tuberculosis (abbreviated as TB for tubercle bacillus or Tuberculosis) ay isang laganap at nakakamatay na ‘infectious disease’ o nakakahawang sakit bunga ng ‘Mycobacterium Tuberculosis’ na pangunahing inaatake ay ang lungs o baga.
Si Mayor Bong Gordon sa ceremonial turn-over ng mga antibiotic drugs at kabang-kabang bigas buhat sa Good People International at Korea International Cooperation Agency sa pamamagitan ng kinatawan nito na si Rev. Pastor David Bang. Kasamang tumanggap ni Mayor Gordon sina Dr. Arnildo Tamayo at Dr. Brian Patrick Tubban ng City Health Office. Isinagawa ang turn-over nitong ika-9 ng Mayo 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center. by Pao photo/rem

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012