Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, May 29, 2008

AMATEUR BOXING TOURNAMENT SA ‘GAPO

Isinagawa ang Olongapo Amateur Boxing Tournament noong ika-5 ng Mayo 2008 sa Brgy. New Cabalan Covered Court kamakailan bilang bahagi ng ‘Programang Paboksing sa Barangay’ ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr.

“Layunin ng programa na ilayo ang mga kabataan ng Olongapo sa mga masasamang bisyo at matutuhan nila ang kahalagan ng palakasan o sports para ma-develop ang ‘sportsmanship’ at magandang pagsasamahan ng kabataan,” ang pagdidiin ni Mayor Gordon, isa sa mga tumunghay sa mga nagtunggali.

Kasama ni Mayor Gordon ang Olongapo City Sports at Tournament Coordinator, Angelito B. Layug at Brgy. New Cabalan Captain Audie Sundiam na dumalo sa naturang kompetisyon.

Alas singko ng hapon nagsimula ang apat (4) na oras na laban ng sampung (10) pares na magkakatunggaling nagmula sa mga ng Brgy. Gordon Heights, Sta. Rita, Brgy. New Cabalan at Brgy. Pag-asa sa espesyal na partisipasyon ng G- GYM, isang pribadong gym sa Olongapo.


Ang mga boksingero ay may edad na labindalawa (12) hanggang limampu’t anim (56) na taong gulang na pinagpares-pares ayon sa edad at timbang.

Narito ang listahan ng mga nanalong boksingero sa kani-kanilang kategoriya:

1. Leonardo Guevarra- Gordon Heights- Kiddie Weight
2. Rodel Nobe- Sta. Rita- JR. Pin Weight
3. Alvin Estrella- Gordon Heights- Pin Weight
4. Noel Guevarra- Gordon Heights- Cadet Fly Weight
5. Raffy Espartero- G GYM- JR. Fly Weight
6. Alejo Corpuz- New Cabalan- Bantam Weight
7. Arjun Sornel- PAGASA- Bantam Weight
8. Eddie Sanchez- PAGASA- Bantam Weight
9. Ramon Poblete-Kalalake- Feather Weight
10. Rey Flores- New Cabalan-Feather Weight

PAO/melai

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012