Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, May 20, 2008

LTO sa smuggling, usigin

Tauhan ng LTO na patong sa ‘smuggling’, usigin

JVA's Folder - KITANG-KITA na ngayon ang masamang epekto ng dis-centralization ng pag-iisyu ng Certificate of Stock Report (CSR) ng Land Transportation Office (LTO) na unang ipinatupad ng dating hepe ng LTO na si Assec. Aneli Lontok.

Unang epekto ng dis-centralization ng ‘issuance’ ng CSR, ay ang pagbagsak ng kolekyon ng Bureau of Customs, dahil sa maraming puslit na mamahaling ‘imported vehicles’ ang nare-rehistro sa mga ahensiya ng LTO sa buong bansa na hindi ipinagbayad ng buwis.

Ang ‘counter checking’ sa pagitan ng LTO at BoC kung tunay ba o hindi ang mga ‘customs documents’ na ipiniprisinta ng nagre-rehistro ng imported na sasakyan ay nagagawa ng wala pang isang oras nuong ‘centralized’ pa ang ‘issuance’ ng CSR, pero nang ito ay madis ‘centralize’ ay inaabot na ito ng mula dalawa hanggang apat na taon.

Mula nang ipatupad ni Lontok ang disentralisasyon sa pag-iisuyu ng CSR ay malaya na pong nakakapag-rehistro sa halos lahat ng ahensiya ng LTO ang mga sindikato ng ‘car smuggling’ at ‘carnaping’ ng daan-daaang libo nilang puslit at nakaw nilang mga sasakyan na ang gamit ay mga pekeng dokumento.

Nuong pong tinatalakay ang pagdidi-centralize ng pag-iisyu ng CSR sa LTO ay iisa lang pong kawani ng LTO sa katauhan ni Merceditas Gutierrez, ang tumindig at tumutol sa balak ni Lontok at ng mga tauhan ng LTO noon, dahil ayon sa kanya (Gutierrez) ay magiging ugat iyon ng malalang ‘smuggling’ ng ‘imported luxury cars’ at paglala ng ‘carnaping’ sa bansa.

Nanaig po ang mga may lihim na ‘agenda’ sa dis-centralization ng ‘issuance’ ng CSR na kinabibilangan ng mga ‘regional directors‘ ng LTO at ilang pang ‘corrupt’ na opisyal nito na sa kasalukuyan ay nasa tanggapan naman ngayon ni Assec. Alberto Suansing.

Nagkatotoo po ang sinabi ni Ms. Guttierez, kung kaya’t hanggang sa ngayon ay nangyayari pa umano ang pagrerehistro ng mga nakaw at puslit na sasakyan kahit na marami nang ipinatutupad na bagong regulasyon ang LTO upang masawata ang ‘smuggling’ at rehistrasyon ng mga nakaw na sasakyan.

Kundi na dis-centralize ang pag-iisyu ng CSR ay walang umanong marerehistrong puslit na ‘imported’ na sasakyan na hindi ipinagbayd ng buwis gayundin walang ‘carnap’ na behikulo ang marereshitro sa LTO dahil iisa lang ang ahensiya nito na puwedeng mag-process noon at tumanggap ng ipinarerehistrong ‘imported’ na sasakyan at iyon ay ang kanilang Central Office sa Diliman, Q.C.

Lumakas po ang loob ng mga tiwa-ling kawani ng LTO sa buong kapuluan upang mag-rehistro ng mga nakaw at ‘smuggled’ na behikulo dahil sa inaabot ng dalawa hanggang apat na taon bago sila mabuko.

Sa halip na maparusahan ang mga nasa likod ng ‘dis-centralization’ sa pag-iisyu ng CSR na naging dahilan ng talamak na ‘smuggling ‘ at carnaping sa bansa, ay na-promote pa ang mga ito at isa nga rito ay si Lontok na napasama sa isa sa mataas na opisyal ng Department of Transportation and Communication(DoTC), na may kamandag pa rin sa tanggapang kanyang pinanggalingan.

Mukhang nagkakatotoo ang ang sabi-sabi at kuwentuhan sa mga pondohan, barberya, kanto-kanto at maging sa mga plaza ng debatihan na lahat ng mga malapit sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na nakagawa ng mga bagay para pahirapan ang bayan ay napu-promote pa sa halip na maparusahan.

Ginaya tuloy umano ni Lontok ang Pangulo na sa halip na parusahan ay iprinomote pa nito ang isang kawani ng LTO na nasangkot sa pagrerehistro ng may 2,000 ‘undocumented motor vehicles’ kasama na ang mga karnap at mga puslit na ‘imported’ na sasakyan.

Nagdudumilat po ang katotohanan na maraming tauhan ng LTO mula sa iba-t-ibang ahensiya nito sa iba’t-ibang rehiyon ang isinasailalim ngayon sa imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng mga na-rehistrong ‘carnap’ na sasakyan at puslit na mga ‘imported vehicle’.

Kitang-kita na rin dito ang sabwatan ng mga taga customs at LTO para marehistro ang mga’smuggled vehilces’ gayundin ang mga tiwaling miyembro ng PNP at LTO sa pagrerehistro naman ng nakaw o carnap na sasakyan.

Ibinigay na halimbawa ng mga awtoridad na nagi-imbistiga sa kaso ang natuklasan nilang pagkakasangkot ng isang Jose Ruperto Remollo-III sa umanoy’ inirehistro nitong 2,000 ‘undocumented vehicles’ sa Region 7, na sa halip na maparusahan ni Lontok ay na-promote pa po ito bilang ‘acting chief ng operation’ ng Region 7. By: Jess V. Antiporda - Journal online

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012