Nasamsam na droga sa Subic ‘di pa rin sinusunog
SUBIC BAY FREEFPORT -- Hindi nakatupad ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) at Presidential Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kautusan ng korte na sirain ang may 714.66 kilong shabu na nasamsam dito noong isang buwan sa loob ng 24 oras pagkatapos ng ocular inspection na ginawa kamakalawa.
Sinabi ni Atty. Edmundo Arugay, deputy director ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG), na ang ordeer na may petsang Hunyo 26 ay inisyu ni Judge Raymund Viray ng Regional Trial Court Third Judicial Region Branch 75 at natanggap ng ng PASG at PDEA noong Hunyo 27.
Nakasaad sa kautusan na : “Within 24 hours after the ocular inspection, the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) is authorized to proceed with the destruction or burning of the same (shabu) in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated.”
Inisyu ang naturang order bilang konsiderasyon sa motion na magsagawa ng isang ocular inspection ng kinumpiskang mapanganib na droga at sirain ito na iniharap ng prosecution panel.
Noong Mayo 28, ang law enforcement operatives ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at PASG-Task Force Subic ay nakasamsam ng 710 kilo ng high grade crystalline shabu na nagkakahalaga ng P4.2 bilyon na karga ng F/B Shun Fa Xing mula Vietnam.
Noong Hunyo 3, may 33 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P180 milyon na naka-address ang nasamsam na droga sa isang Chinese national na nakilalang si Anthony ‘Anton’ Ang, ay nakunan ng SBMA Harbor Patrol Group habang nakalubog sa tubig.
Sa paliwanag ni Arugay at sinabing may ilang mga bagay pa ang dapat lutasin at clearance na kailangan bago mailipat ang mga droga sa lugar ng pagsu-sunugan.
Kabilang sa magbibigay ng clearance ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), office of the local government unit malapit sa Subic Freeport, national police media organizations at iba pang government at iba pang mga pribadong ahensiya.
“What we cold accomplish today is to transfer the custody of the confiscated shabu to the representatives of PDEA. And it is now their responsibility where to transfer and when to destroy the illegal drugs,” ani Arugay. Journal online

Labels: Judge Raymond C. Viray, news, olongapo, pasg, pdea, sbma, shabu, subic
0 Comments:
Post a Comment
<< Home