SEARCH FOR THE MOST CHILD-FRIENDLY BARANGAY
Nitong ika-26 ng Agosto 2008 ay inilunsad na sa Olongapo City ang ‘The Search for the Most Child Friendly Barangay’ na proyekto ni City Mayor James “Bong” Gordon Jr.
“Ito ang kaunaunahang pagkakataon na magsasagawa ng ganitong proyekto ang lungsod at Olongapo City lamang ang natatanging lungsod na may ganitong proyekto,” pahayag ni City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head, Gene Eclarino.
Ang proyektong ito ay naglalayong mapigting pa lalo ang pagiging ‘child friendly’ ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pundasyon simula sa ‘grassroots level’.
“Kailangan child friendly ang mga barangay ng isang lungsod dahil dito sa grassroots level nagsisimula ang lahat,” paliwanag ni Eclarino. “Hindi magiging ‘child friendly’ ang isang lunsgsod kung hindi ‘child friendly’ ang mga barangay nito.”
Ang labing pitong (17) mga barangay ng lungsod sa small and big barangays upang maging patas ang kumpetisyon. Ang paghahati ay ayon sa populasyon, geographical area at ang budget appropriation.
“The main objective of this competition is to recognize the efforts and the initiative of the barangay officials through the Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), ito ang nagsisilbing policy making body, na siyang magi-implement at magmo-monitor ng mga programs and services na may kinalaman sa mga bata,” dagdag pa ni Eclarino.
Ang mga programa ng barangay ay tumutugon dapat sa four basic rights of children: ang right to survival, participation, development at protection. Ang mga ito ang magsisilbing susi upang maitanghal na ‘Most Child Friendly’ ang isang barangay.
Kasama sa mga programang ‘child friendly’ ay ang mga scholarship programs, mga health programs tulad ng feeding programs, mga rehabilitation programs, social development centers, sports programs at iba pa.
Ang mga barangay ay dapat na magsubmit ng mga kinakailangang data na nagpapakita ng performance ng kanilang mga programa para sa kabataan. Kasama na dito ang health programs, educational programs, justice system, childhood care and development at ang dissemination ng kaalaman at impormasyon sa komunidad.
“Maganda na nag-iinvest ang isang lokal na pamahalaan sa mga children, dahil ika nga, kabataan ang pag-asa ng bayan at sila ang iiwanan nating responsable upang mangalaga sa ating lungsod. Dapat laging itaas ang karapatan ng mga bata,” pagtatapos ni Eclarino.
PAO/Don

Labels: bcpc, cswd, most child friendly, Olongapo City
0 Comments:
Post a Comment
<< Home