43 NAGSIPAGTAPOS SA 2nd BATCH NG GERMAN LANGUAGE TRAINING
May kabuuang apatnapu’t tatlo (43), labing-apa’t(14) na lalake at dalampu’t siyam(29) na babae ang nagsipagtapos sa pangalawang batch ng German Language training. Isa’t kalahating buwan nagsanay ang mga estudyante na sinimulan noong Agosto 12 hanggang Oktubre 2, 2009 sa Olongapo City Skills Training Center.
“The graduates are a clear manifestation of the effectiveness of the city's program for livelihood and skills development for Olongapeños,” ani Mayor Gordon.
"Our graduates should not stop on just acquiring the knowledge, they must use this information to better themselves and earn a decent living," dagdag ni Mayor Gordon.
“We were overwhelmed by the response, ang daming gustong mag-train sa course na ito at hindi namin inaasahan na marami pala ang gustong mag-training ng German Language,” ani Sanchez .
Kabilang sa pagsasanay ang “German alphabet, pronunciation, practical conversation and Spelling”.
Napadali ang pagsasanay sa tulong ni Reggie Sanchez, isang German Language instructress na nakapag-asawa ng German national at nanirahan sa Germany sa loob ng dalawampung (20) taon.
Dahil sa dami ng gustong matuto ng kursong German Language, ang German Language Training ay tuluy-tuloy na ring isasagawa gaya ng computer, call center, welding trainings, basic handtools and power tools safety and usage.
Para sa mga katanungan, tumawag sa telepono bilang 222-5401, 222-2661 o magtungo sa Olongapo Skills Training Center sa 2nd Floor Annex Bldg. ng Olongapo City Hall.
Buong pagmamalaking nagpakuha ng litrato ang mga nagsipagtapos ng German Language training kasama si Mayor James Gordon, Jr. at tagasanay na si Reggie Sanchez sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court nitong ika-5 ng Oktubre 2009. Binuo ng apatnaput-tatlo (43) ang 2nd batch ng nagsipagtapos.
Pao/nmm
Labels: edpiano, free german language training, mayor gordon
0 Comments:
Post a Comment
<< Home