‘’OPERATION BAKLAS 2010’’
Agarang inatasan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) at ang labing-pitong (17) Barangay Officials sa paglilinis ng mga lansangan ng Olongapo matapos ang ginanap na halalan nitong ika-10 ng Mayo 2010.
Unang tinutukan ng ESMO na baklasin ang mga nakadikit na posters, nakasabit na streamers at nagkalat na polyetos partikular na sa dalamput-dalawang (22) polling places o ang mga pampublikong paaralan na naging venue ng halalan. ‘’Ang election ay isang araw lamang at pagkatapos nito ay simulan natin ang paglilinis ng mga basurang iniwan ng halalan,’’ wika ni Mayor-elect Bong Gordon.
Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng ‘’General Cleaning’’ ang ESMO gayundin ang mga opisyales ng mga barangay upang tuluyan ng maibalik ang kalinisan sa lungsod.
Hiningi rin ni Mayor Gordon ang tulong ng mga Olongapeños na maglinis, ‘’Dapat ang bawat residente ay tumulong at makiisa sa paglilinis magtulungan nalang tayong lahat,’’.
Pao/rem
Labels: election, ESMO, Operation Baklas
0 Comments:
Post a Comment
<< Home