Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 15, 2011

GORDON GOODWILL GAMES for R.A.C.E. (Responsive, Accessible, Courteous and effective Public Service)

Nasa kasagsagan na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod para sa 3G (Gordon Goodwill Games) na nakatakdang ilunsad sa Marso 26, 2011, Sabado.

Ang City Sports at Youth Development Office (CSYDO) kasama ang Personnel Office ay naglalayong magtatag ng malakas at matagumpay na relasyon para sa mga kawani sa pamamagitan ng sports batay na rin sa programa ni Mayor James "Bong" Gordon, Jr.

"Inaasahang sa pamamagitan ng torneo ay maitataguyod ang pakikipag-kaibigan, sportsmanship, pagpapahalaga sa pangangatawan at personal na kaayusan sa bawat empleyado," ayon kay Ryan Marvin S. Mabeza, hepe ng CSYDO.

"Lahat ng contractual at permanenteng empleyado ng Olongapo City hall na kabilang sa 2011 List of Employees ng Personnel Office ay maaaring lumahok," sinabi ni Angie Socorro S. Barroga ng Personnel Office.

Ang mga nais lumahok sa aktibidad ay maaaring magsumite ng Registration/Roster Form bago o sa Marso 03, 2011 o tumawag sa numero bilang 0999-719-1219.

Pao/fr/

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012