Olongapo City - P1M sa 827 MAHIHIRAP NA PAMILYA
Walong-daan at dalawampu’t pitong (827) mahihirap na pamilya sa Olongapo ang kabuuan ng mga tumanggap ng cash assistance mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ni Pangulong Noynoy Aquino nitong Abril 13-14, 2011.
Pinili at tinukoy ang mga benepisaryo ng 4Ps sa Olongapo sa inisyatibo ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. at First Lady at dating Zambales Vice Governor Anne Gordon sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
“The poor families were identified through “household assessment” of National Household Targeting System for Poverty Reduction of the Department of Social Welfare and Development (DSWD),” pahayag ni CSWDO head Gene Eclarino.
Umabot sa P1,098,800 ang matagumpay na naipamahagi sa mga benepisaryo sa loob ng dalawang araw na pinangasiwaan ng Land Bank of the Philippines.
“Ang 4P’s ay makapagbibigay ng” Social Assistance” o tulong pinansyal at ng “Social Development” nang maputol ang paulit-ulit na kahirapan ng maralitang sambahayan,” pahayag ni Mayor Gordon.
“Layunin din ng 4P’s na mapaunlad ang preventive health care, maitaas ang enrollment rate ng mga bata sa school, maibaba ang insidente ng child labor at mahikayat ang mga magulang na mag-invest sa kanilang mga anak,” dagdag naman ni FL Anne.
Ang mga pamilyang may tatlong kwalipikadong anak ay makakatanggap ng health and nutrition cash grant na P6,000 kada taon o P500 kada buwan bawat isang anak at education cash grant ng P3,000 per school year o P300 kada buwan bawat isang anak.
Bawat pamilya ay makakatanggap hanggang P1,400 bawat buwan o P15,ooo bawat taon kung patuloy nilang susundin ang mga patakaran.
Samantala, ikinalungkot naman ni Eclarino ang pagsasamantala sa 4Ps program ng ilang pulitiko, partikular ng congresswoman na ipinadala pa ang anak at staff bilang kinatawan sa pagbigay suporta gayong tinutuligsa at ipinapatigil ng naturang congresswoman ang naturang 4Ps program ni Pangulong Aquino.
by: Balitang OZiisero
Labels: 4ps, edpiano, Gene Eclarino, mayor gordon, Olongapo City, Subic Bay
0 Comments:
Post a Comment
<< Home