Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 23, 2005

CENTER FOR WOMEN AT CENTER FOR YOUTH:Inaabangan na ang pagbubukas!


Tinatalakay kamakailan ang progreso ng trabaho sa ipinatatayong gusali ni Mayor Bong Gordon at First Lady Anne Marie Gordon na Center for Women at ang center for Children and Youth na matatagpuan sa Mayumi St. Sta Rita.

Nagaganap ang pulong ng Olongapo City Women’s Council ( O C W C ) na siyang nangangasiwa sa proyektong ito sa bulwagan na Sangguniang Panglungsod para sa pagpapatuloy ng pagpaplano ng ibat-ibang aktibidad nito.

“Ang Center for Women ay pansamantalang magiging tahanan ng mga kababaihang walang pamilya samantalang ang Center for Children and youth naman ay magiging pansamantalang tahanan ng mga kabataanng walang kumakalingang magulang,” ayon kay Ms. Gordon, chair ng Women’s Council.

Ang OCWC ay binuo ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa layuning malakas ang pagpapatupad ng Repblic Act (RA) 7192 na may titulong “An Act Promoting the Integration of Women as full and Equal Partners on Men in development and nation building and for other Purposes.”

Ipinalabas ni Mayor Bong Gordon ang Executive Order (EO) No.3 Series of 2005 na naglalayong mag-talaga ng mga miyembro ng OCWC. Sa pamamagitan nito ay magakakaroon ng partisipasyon ang mga kababaihan sa pagpapatakbo ng komunidad at maipakita ang kakayahan sa pagkilos para sa lahat.

Ang konstruksyon ng dalawang gusali ay sinimulan noong Marso ng kasalukuyang taon sa Mayumi St. Barangay Sta. Rita. Tinatayang matatapos ito sa dulo ng taong 2005.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012