Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 27, 2005

MALARIA CAUTION

Upang maiwasan ang maling paniniwala at haka-haka tungkol sa malaria sa lungsod, agarang nagpalabas si Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ng kautusan kay City Health Officer Dr. Pacita Alcantara na mgasagawa ng mga programa upang labanan ang malaria sa lungsod.

Kabilang rito ang pagpapakalap ng malawakang information dissemination para sa kabatiran ng lahat sa Lungsod ng Olongapo.

ANO ANG MALARYA?

Ang malarya ay isang uri ng sakit na sanhi ng parasitikong dala ng lamok.

PAANO NAKAKASAGABAL SA KAUNLARAN NG KABUHAYAN ANG MALARYA?

Karamihan sa mga nagiging biktima ng Malarya ay yaong mga nasa pagitan ng mga edad na pinakikinabangan at inaasahan ng bayan

ANU-ANO ANG MGA PALATANDAAN/SINTOMAS NG MALARYA?

?Giniginaw at nanginginig
?Mataas at paulit ulit na lagnat
?Matinding pananakit ng ulo
?Lanbis na pagpapawis
?Panghihina / pamumutla

BAKIT DAPAT KATAKUTAN ANG MALARYA?

? Ito may maaring mailipat ng lamok sa tao sa pamamagitan ng kagat
nito ay naililipat sa napakaikling panahon lamang;
? Pinipinsala nito ang utk, atay at pali.
? Ang malaria ay nakamamatay kapag hindi agad naagapang magamot.

MAHALAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA LAMOK NA NAGDADALA NG MALARYA:

? Ang lamok na may dala ng Malarya ay nangangagat sa pagitan ng alas
6:00 ng gabi hanngang sa alas 6:00 ng umaga;
? Ang lamok ay dumadapo sa dingding bago mangagat sa tubig na malinaw at
mabagal ang daloy tulad ng batis at sapa.

PAANO MAIIWASAN AT MAPIGIL ANG PAGLAGANAP NG MALARYA?

A. Iwasan ang lamok

? Gumamit ng kulambo sa pagtulog;
? Magsuot ng damit na may mahabang manggas;
?Itali ang malalaking hayop (kalabaw, baka atbp) sa bakuran ng bahay
para sila ang kagatin ng lamok
B. Puksain ang lamok

? Tuwirin at paagusin an gang tubig sa gilid ng sapa at batis.
? Magpunla sa mga sapa, ilog at batis ng mga isdang kumakain ng
kitikiting lamok(tulad ng tilapia)
?Linisin ang mga halaman at masukal na lugar sa gilid ng sapa at ilog at
? Magspray ng insecticide sa bahay.

Magpaeksamen ng inyong dugosa mga lumilibot na malaria canvassers ng DOH, health centers at district hospitals at kumpletuhin ang paginom ng gamut sang ayon sa payo ng doctor o health workers.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012