BINATILYO,NASAGIP NG OLONGAPO RESCUE TEAM
Sa gitna ng walang humpay na pag-ulan nitong Agosto 6, 2005, isang insidente ang nangyari kung saan kaagad sumaklolo ang olangapo rescue team upang sagipin ang nalulunod na binatilyo at isalba ang buhay nito.
Si Romulo Alfonso Lao, 14 taong gulang, residente ng upper sibul east bajac-bajac, ay naligo sa ilog habang kalakasan ng ulan kasama ang ibang kaibigan. Aksidente siyang tinangay ng rumaragasang daloy ng tubig ngunit masuwerte siyang nakakapit sa ilang damo sa gitna ng ilog.
Si Roel David, isang estudyante ng Gordon College, ang agad na nagbigay -alam sa patrol 117 ukol sa pangyayari. Agad rumusponde ang Rescue team, at inabutan si Lao sa gitna ng ilog ng Sta. Rita. Nagsasagawa ng “One-man Lifesaving technique” ang mga rescuers habang nagkukumpulan ang mga tao. Hiyawan at palak-pakan ang sumunod na eksena ng maihaon ang estudyante at agad itong’ dinala sa mas ligtas na lugar.
Binigyang komendasyon ni Mayor james “Bong” Gordon Jr. ang mabilis na pagresponde ng Olongapo Rescue Team pati ang estudyante na agad nag-report ng insidente sa mga pulis.
Matantandaang ang Olongapo Rescue Team, sa ilalim ng Disaster Management Office ng tanggapan ng Pang-lunsod , ay dalawang beses ng pinarangalan ng prestihiyosong “Kalasag Award” par sa epektibong emergency managment sa sa lungsod ng Olongapo.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home