Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, September 10, 2005

Smuggling may rule Subic once again

Transcript of interview
Sen Richard J. Gordon
09 September 2005


RJG: Nababahala ako nang may mabalitaan ako na hindi maganda sa Subic na balita ko ‘y may recommendation na manggagaling sa palasyo na papayagan muli ang smuggling ng auto --I call it smuggling. Magpapasok muli ng auto na second hand sa Subic. Walang masama dyan kung walang pollution aspect. May pollution aspect ‘yan. Walang masama kung pumapayag na tayong ang Subic ay port of entry para d’yan. At kung papayagan iyan bakit $500 lang ang declare value, di napakababa ng tax.

Pagkatapos bababaan na nga ang tax sa mga smuggler o sa mga nagpapasok na iyan eh bakit naman sisingilin natin sa tao ang E-VAT. Yun smuggling ng sigarilyo d’yan from 2001-2003 magapaliwanag ang Subic authority noong mga panahon na iyon na 1,400,000 cases ng sigarilyo ang pumasok sa Subic na hindi pwedeng ipasok sa loob ng Pilipinas—talagang absolutely bawal ‘yun. Smuggling talaga iyon. Ang lumabas sa Subic magmula noong ay 3,000 cases of cigarette lamang. Alam ba ninyo kung magkano iyon? That is P17B worth of taxes. Not to mention the fact na pinapayagan nilang pumasok ang 900,000 cases of liquor sa Subic at ang lumalabas d’yan 30,000 cases lang ang lumabas patungo sa ibang bansa. Sa makatuwid yung sigarilyo, kotse at alak ay pumapasok, nag—smuggling, ang kumikita ay ‘yung ilang nagpapasasa d’yan. At yung mga awtoridad d’yan ay dapat managot. Dapat hindi natin ipataw ang mahigpit na buwis kung hindi natin mahuhuli at magpaliwanag ang mga iyan. Kaya sinasabi ko kay PGM, dapat ipahuli niya ang mga taong iyan at utusan ang BIR at BoC na ipahuli ang mga taong iyan at magpaliwanag lahat yung mga dating namuno d’yan sa Subic.

Tanungin ninyo ang malacanang kung may rekomendasyon na ang legal office ng Malacanang na ibalik muli ang auto samantalang may recommendation, may EO ang Presidente Arroyo na huwag ibalik at payagan ang mga kotse iyan na makapasok muli.

Q: What do you mean, maglalabas ng EO/ Paano ibabalik, tatanggalin yun EO?

RJG: Tatanggalin ang EO at papapasukin nila ang rekomendasyon dahil daw may TRO daw sa mga husgado. Alam naman natin na madali ang cash-sunduan sa mga husgado kung malaki ang pera.

Q: Meaning they were tried to do a Port Irene?

RGJ: I don’t know whats happening in Port Irene pero alam kong pumapasok d’yan. Huwag magagalit ang iba d’yan sapagkat ang alam ko d’yan meron pa rin tayong mga kasama sa media na nakikinabang d’yan.


Q: Sir, ano ang compromise ng Malacanang dito…?

RJG: isa sa pinakamalaking nagpapasok ng auto ay ‘yun pamilya ng gobernador ng Zambales.

Q: Yung mga Magsaysay sir?

RJG: Oo. Nandoon lahat eh. Kaya ako nasasaktan nang sinasabi ninyo na may pinapasok ako sa Subic sapagkat ang lumalabas d’yan ay parang pamumulitika lahat ang ginagawa ko. Wala naman akong inirekomenda na naging chairman.

Q: So ano ire-rescind ang EO para mabuksan ang bukal para sa smuggling?

RJG: Yes. Wag tayong magtulog-tulugan dahil makikita ninyo d’yan ang pumasok na kotse during the last 2 years ay halos umabot sa 100,000.

Q: If the EO is rescinded it leave a playing field for the syndicate to move around?

RJG: Aba’y talagang libre na ang mga iyan. Talagang hanggang gusto nila ay papasok ang kotse d’yan. Ang pinakamataas na binabayad d’yan ay $500 lang. Magkano ang tax d’yan.


Q: Are you convinced na talagang ginamit ng Malacanang ang power ?

RJG: yes I am convinced.

Q: The President?

RJG: Alam kong nagpunta doon ang mga iyan at kaya ako nagalit hindi na bali maglagay sila ng tao nila , kaya ako nagagalit dahil nilabas nila , balita ko mayroon silang papel na ipapakita ko sa inyo sa mga darating na araw na binabawi ang EO. Iyon ang rekomendasyon.


Q: Sir sa tingin ninyo maganda ba sa isang leadership ‘yun ganoon?

RJG: Aba’y hindi napakaganda. Kaya nga iyan ang sinasabi ko, we can not be transactional. Maging transformationl tayo hindi ‘yung may kapalit palagi yung presidente, mayor o yun gobernador para pagbigay ng tulong sa tao ay may papalit.

Q: The President is involved in this?

RJG: I don’t know yet. I am going to get the documents soon.

Q: Sir , sa pagkakaalam ninyo what is the status of that recommendation of the legal office? Is the President sign it?


RJG: I hope the President does’nt sign it because I am going to leave the President if she allows these cars to go over there.

Q: Tatalikod na kayo?

RJG: Ako talaga ay tatalikod dahil hindi na tama iyan. You ask people to pay their taxes pagkatapos papayagan ninyo ang mga smugglers na iyan. Gaano pa katagal maghihirap ang mga Pilipino. Noong araw pa may smuggling ang mga iyan. Hindi lang sa Subic. Ang smuggling ay malawak na malawak dito kaya naghihirap ang Pilipino. Kaya tayo naghihirap dahil ang ibang negosyante ay nagpapa-smuggle ng kotse tapos tayo ang magbabayad ng buwis. Aba’y tama na iyan.

Q: Are you saying na disappointed ka na sa…?

RJG: Alam naman nila kung ano ang pakiramdam ko kahit noong nasa Cabinet ako. I have always been vocal.

Q: This time you are ready to break away?

RJG: I am not breaking away. I have my own principles .

Q: But you are leaving?

RJG: I am ready. I do not appreciate it na yun Subic na sana ay paga-asa ng bayan na inayos ng mga volunteer iyan na lumakas, nakuha ‘yun fedex nawala yun fedex. Nakuha yun Thompson nawala yun Thompson. Nakuha yung malalaking kumpanya pero nawalang lahat aiyan. Pumunta kayo sa Subic panay mga tiangge ang mga nandoon at malilit na negosyante. Hawak ko nag lahat ang mga dokumento at tiyak kapag nailabas ko iyan hindi lang ako ang mag-iimbestiga dito, magpa-file pa ako ng kaso at pipilitin kong may makulong d’yan sa Subic sapagkat dapat makulong yung mag taong nagpasasa d’yan.

Q: Sir, kailan ninyo nakuha yung mga document?

RJG: After the impeachment. Nakita ko eh. Kasi nakita ko na, aba’y may kapalit pala. Kailangan bang makipagpalitan na? Wala naman akong hinihingi ah. In fact I have been vocal, this is not the first time, I was the one who said, ayan si TJ ininterbiyu ako, may sakit ako. I did’nt come out with the presscon before. Nag-presscon ba nang sinabi ninyong ano ang gagawin doon sa pamilya ni president. Ang sabi ko they should offer to resign and go on a leave of absence but what is happening now, yung pala may kapalit. Kaya nagtataka ako sasabihin pa ni Max Soliven, apat daw sila na magsaysay at iisa lang ako. Aba’y wala akong laban d’yan. Unang una mas mayaman at powerful ang mga iyan, pero hindi iyan ang pinaglalabanan dito, hindi politika. Ang pinaglalabanan dito ay magta-tax tayo ng mga mahihirap tapos hahayaan ‘yang mga mayayaman na iyan na makapagpalusot ng kotse, alak at lahat na. Sobra na ito. Tama na. Wala naman talagang mapipili doon sa kabila,yun ang problema ng tao pero kung dahil d’yan ay makikinabang at gagamitin ang president para lahat ng gusto ng mga taong kumakampi sa kanya ay magkaroon ng mga biyayang hindi dapat at pahihirapan ang tao, hihiwalay ako sa presidente.

Q: Si Gov. Magsaysay is the uncle of Cong. Magsaysay?

RJG: Pinsan nila. First cousin. During one of the hearings on jueteng, sinabi ni witness Richard Garcia na ang nagpapatakbo ng jueteng sa Zambales at Olongapo ay si JV Magsaysay who is a director of SBMA. Nandoon ang pangalan niya, director ng SBMA, asawa ng Congresswoman na si Mitos.

Nagmamalasakita nga ako sapagkat sa tingin ko ay wala akong nakikita sa kabila na pamalit.

Q: Si Vice President Noli?

RJG: Kung ilalagay si Noli, pwede na si Noli basta tumigil lang ang transaksyon. Puro transaksyon ang gobyerno. It is an old transactional leadership. I can prove it now and I am going to prove it.

Q: May evidence?

RJG: yes I have evidence. You have already the evidence. Eulogio Magsaysay moved out after saying that he was been given money. He moved out.

Q: P5M daw sir. Na trace na raw yun cheque sir.

RJG: I am told that extreme lobbying was made by Congresswoman Magsaysay and Governor Magsaysay. It was Gov. Magsaysay who brought Eulogio Magsaysay to the President and he turned around. This is not political. Please do not make it political.

Q: Si Gov ang nag-lobby?

RJG: Yes. They lobby. I will give you the documents at the proper time. I have other things to say. Marami pa akong ilalabas—a transactional leadership.

Q: When was the EO handed down?

RJG: That was about 2002. I want the Supreme Court to investigate all these judges and all the people there because it is illegal to import a second hand vehicle that you convert. You know that, there is a law there. How can they get away with that. Second it is a violation on the environment. Tumatagas yun langis sa ground water. Maitim ang usok. Pangatlo , they are not paying the right taxes.

Q: Matagal na silang pumasok dito?

RJG: Yes. If you go to Subic, if you want to we all go to Olonganpo ang I will show you all the cars there. The transactional leadership in this country must stop. We have to stop it.

Q: May nakausap na ba kayo sa Malacanang tungkol dito sa concern ninyo?

RJG: They know. Unfortunately, the opposition has got nothing better to offer, unfortunately, that is the only fortune today of whoever is in power. And our people, we keep tolerating and accepting it but I am not going to take it anymore.

Q: Sir, pwedeng kasuhan yung mga tumanggap ng suhol?

RJG: Yes.

Q: Public officials naman ‘yun diba?

RJG: Yes.
Q: Ano ang mensahe kay PGMA?

RJG: PGMA must change her ways if she wants change. She claims she wants change for the people, then tigilan na ang pamumulitika. Ang kailangan dito sa bayan ay transparency at transformational leadership. Hindi pwedeng pagbibigyan mo lahat ang iyong mga tau-tauhan. Inuuto at tine-terrorize ka. Kailangang manindigan ka at gawin kung ano ang tama.

Q: Magiging independent na ba kayo ngayon?

RJG: I am an independent I have always been independent. I am a senator of the country I am a senator of the people. I will fight for the people’s rights. Di ko iniwan ang mga tao ko sa Olongapo noong araw, di ko iniwan ang mga tao sa Subic noong mawala ang bases at pumutok ang Pinatubo. Di ko iniwan ang mga tao sa Cabanatuan na naapektuhan ng lindol, at ang mga bangkero na nawala sa laot. Di ako marunong mang-iwan ng ating mga tao pero iiwanan ko ang pamumulitika na transactional kung iyan ang paiiralin, lalabanan ko yan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012