Driver ng 6 Kano ‘di raw sinuhulan
Ang Pilipino STAR Ngayon
Lumutang kahapon ang driver ng anim na US Marines na inakusahang nanggahasa sa isang 22-anyos na Pinay sa Subic, Zambales para igiit na hindi siya sinuhulan upang baguhin ang una niyang testimonya sanhi upang humina ang kaso laban sa mga dayuhan.
Sinabi ni Timoteo Santiago, Jr. na sinuntok siya ng isang pulis na imbestigador at tinakot na isasama sa kaso kung hindi pipirmahan ang affidavit na nagdidiin sa anim na sundalong akusado.
Masyado na umano siyang nalilito at natatakot na pati kanyang asawa, hindi na rin nakakapasok sa paaralan ang kanyang mga anak at masyadoang maraming media na naghahanap sa kanya kaya minabuti nilang lumipat ng tirahan.
Iginiit nito na tinatanggal niya ang mga salitang "rape" at "gang rape" dahil hindi anya niya mapapatunayan na ginahasa nga ang biktima.
Ayon sa driver, nakita niyang lima lamang ang sundalong Kano sa loob ng Starex van at pang-anim ang biktima na hinala niya ay lango sa alak. Narinig niya na nagtatalo ang biktima at ang sundalong si Daniel Smith dahil sa pagtawag nito na "prostitute" sa biktima.
Lumabas naman umano ang apat na sundalo habang natira sa loob ang biktima at si Chad Carpienter. Binuksan rin naman ng mga ito ang pinto kung saan nakita niya ang biktima na walang damit pang-ibaba ngunit nakasuot ng damit pang-itaas.
Idinagdag nito na hindi naman umano galit ang biktima at hindi rin umiiyak, taliwas sa kanyang naunang testimonya na sinabi nitong "umiiyak, sumisigaw at nanlalaban ang babae kay Sgt. Smith".
Sa kabila ng pag-iwas na madamay sa kaso, maaaring ito ang kahinatnan ni Santiago matapos na magbabala si Justice Secretary Raul Gonzalez na kakasuhan ng perjury kung tuluyang babaguhin ang testimonya nito.
Itinakda na ng Olongapo City Prosecutors Office ang preliminary investigation sa kaso sa Nob. 23 at 29, 2005 laban sa anim na akusado. (Danilo Garcia)
===
Itaguyod ang karapatan, kapakanan ng ni-rape
SAPOL Ni Jarius Bondoc
Ang Pilipino STAR Ngayon 11/14/2005
MASYADONG makahusga ang mga pulitiko sa gang rape sa Subic ng mga US Marines. Halimbawa si Sen. Aquilino Pimentel Jr. Animo’y Diyos na nakababasa ng puso ninoman, nilagyan niya ng motibong pagkaganid sa pera ang van driver nang, batay sa malabong ulat, nagbabalak daw ito bumaligtad sa unang pahayag na nasaksihan ang krimen. Aniya: "Nakikita ko ang bagay na nag-udyok kay Hudas na talikuran ang Panginoon, pero nadadama kong mas malaki ito sa 30 pirasong pilak." Iba pang pulitiko, ang unang giit ay bagong college graduate ang biktima at hindi bar girl. Pahiwatig nila na okey lang magahasa ang babae kung nagkataong sex worker ito. At may iba ring hinuhulaan na sa huli, hihingi lang ang biktima ng pera sa mga nagmolestiya sa kanya.
May kanya-kanyang agenda ang mga pulitiko, at tiyak na hindi ito para sa kapakanan ng biktima. Kung tutuusin binibiktima pa lalo nila siya.
Kumplikadong krimen ang rape. Sa kaso ni Kobe Bryant minarapat ng biktima iatras ang hablang kriminal at isulong na lang ang hablang sibil. Ito’y dahil mabigat ang burden of proof sa kasong kriminal: Dapat beyond reasonable doubt. Magaan lang sa kasong sibil: Preponderance of evidence. Kaya kinalaunan ang kaso ni Bryant, tulad ng karamihan ng kasong sibil, na-settle out of court.
Segun sa script ng kanilang mga agenda, nais ng mga pulitiko na magpamartir ang biktima. Hindi nila iniisip ang kanyang tunay na kalagayan. Wala ni isa sa kanilang nagbibigay ng payo o libreng serbisyo para isulong ang kanyang interes at karapatan.
Personal na krimen din ang rape. Sa hablang kriminal, maaring usisain ng depensa ang buong sex history ng biktima – isang nakapanliliit na sitwasyon. At maari ring ipasya ng biktima na iwasan ito sa pamamagitan ng pagsulong ng kasong sibil lang. Kung magsampa ng hablang kriminal at ma-dismiss lang ito, walang mapapala ang biktima sa huli. Kaya mabuti pang kasong kriminal at sibil ang isampa, at saka niya kapain kung maipapanalo pareho o yung mas madaling huli lang. Gan’un talaga

0 Comments:
Post a Comment
<< Home