Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, November 12, 2005

VFA 13 beses ‘nilabag’ ng Kano – Villar

Ang Pilipino STAR Ngayon

Ibinulgar kahapon ni Sen. Manuel Villar, Jr. na mayroong 13 insidente ng paglabag sa Visiting Forces Agreement (VFA) ang mga sundalong Amerikano bago pa man nasangkot sa panggagahasa sa isang 22-anyos na dalaga sa Subic, Zambales.

Ang mga ito ay kinabibilangan umano ng vehicular accidents, oil spillage, accidental shooting at mauling mula taong 2000 hanggang 2005.

Nitong taon, nakabangga umano ang isang sundalo sa Zamboanga lulan ng inarkilang sasakyan at nagtamo ng sugat ang dalawang biktima na nakasakay naman sa scooter. Inako ng sundalo ang gastos at binayaran din ang suweldo ng dalawa.

Sa talaan naman ng Presidential Commission on VFA, ilan pa sa mga insidenteng may kaugnayan sa VFA ay mga aksidente sa kalsada na nangyari sa Zamboanga, Davao del Sur at Puerto Princesa; accidental shooting sa Zamboanga; pagtatapon ng basura o oil spill sa Subic Bay at pambubugbog ng taxi driver sa Cebu City.

Binanggit din ang pagkasira ng mga pananim sa Zambales ng mag-emergency landing ang isang helicopter ng mga sundalong Kano at pakikisali ng mga ito sa pakikipagbarilan sa mga Abu Sayyaf.

Batay pa sa dokumento, isang sundalong Kano umano ang nag-ala-Rambo ng ipakita nito ang kanyang armas habang nagwi-withdraw ng pera ang kanyang kasamahan sa Zamboanga City.

Mayroon din umanong insidente na namatay ang dalawang bata makaraang makapulot ng isang bomba sa isang firing range sa Toledo, Cebu.

"Halos lahat ng mga kasong ito ay naresolba. Kadalasan ay nag-multa lang at nagbayad ng danyos ang Amerika sa mga biktima kapalit ng pagbasura sa kaso. Dapat talaga nating pag-aralan kung nakakatulong o nakakaperwisyo na sa ating bansa ang VFA," ani Villar.
(Rudy Andal)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012