Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, November 25, 2005

Gonzales: Hindi ko pinagbantaan si Magsaysay

Wala umanong katotohanan ang bintang na binantaan niya ang buhay ni Sen. Ramon Magsaysay Jr., pahayag ni Agriculture Undersecretary Belinda Gonzales sa panayam ng DZMM nitong Huwebes. Dagdag niya, kabulaanan din ang paratang na nais niyang gipitin si Magsaysay upang ihinto ang siyasat sa P728-milyong anomalya sa pagbili ng abonong ipamamahagi sa mga magsasaka.

ABS-CBN INTERACTIVE

DZMM: [Undersecretary] kaya po kami napatawag sa inyo ay ito daw pong si [Senator Ramon Magsaysay Jr.] ay ang terminong ginamit niya kahapon ay para bagang bina-blackmail siya pagkatapos daw pong makausap kayo. Wari bagang ang statement daw po ninyo at noong isa pang assistant secretary ay mayroon ding sabit si Senator Magsaysay sa isyu ng fertilizer scam. Pakipaliwanag nga po n'yo 'yon?

Gonzales: Actually wala po. Nag-request po kami ng meeting sa kanya kasi hindi po ba lumabas about three weeks ago na doon sa, ewan ko po, hindi ko ma-remember kung anong diaryo na mayroong mine-mention na may mga bogus foundation na ginamit doon sa P728 million.

Nabasa po namin sa diaryo, and then 'yun pong si [Assistant Secretary Joey] Montes biglang mayroong ipinakita sa akin na mayroon palang na-endorse si Senator Magsaysay na foundation, 'yung foundation na mine-mention doon sa diaryo.

Na bogus foundation?

According to the newspaper bogus 'yon.

And then noong nakita ko yon, kasi close ako kay Senator Magsaysay, nire-respeto ko po 'yon, kapag nagba-budget hearing ay natutulungan niya po kami so, malapit ako sa kanya.

So, noong nakita ko 'yung endorsement bakit hindi po 'yon, tungkol doon sa P728 'yun po 'yung nag-implement ng kanyang CIDAF 50,004 yata 'yon.

Ngayon nakita ko po 'yon ang sabi ko kay Joey, kay Assistant Secretary Montesm, sabi ko sa kanya, Joey kailangan nating sabihin kasi according to the newspaper ay bogus.

Ang sabi ko kailangan nating sabihin kay Senator Magsaysay at baka lumabas 'yan sa diaryo e magulat na lang siya e hindi niya natatandaan na nag-endorse pala sila.


And then, noon pong e di nakipag-set kami ng meeting at doon sa meeting ay wala naman po akong natandaan para mag-isip si senator na bina-blackmail namin.

Kayo po pala ang nagpakita mismo ng report at sa layunin niyo na parang nagmamalasakit pa kayo kay Senator?

Opo, talagang 'yun ang intention namin ni Joey, kasi wala pong nag-utos sa amin walang external forces na sinabi na puntahan niyo na ganito, wala.

Talagang ang iniisip namin ay siya.

Baka hindi pa alam ni Senator gusto niyong ipaalam sa kanya na mayroong ganitong kumakalat na balita?

Oho.

So, nagmamalasakit kayo hindi kayo para bagang nananakot na itigil niyo na itong imbestigasyon ninyo dahil kayo ay sabit din, hindi po ganoon?

Hindi po, hindi po, alam n'yo hindi po namin gagawin 'yon. Ewan ko lang po, pero wala po kasi akong alam doon sa P728 na hindi ko alam kung mayroong kalokohan, talagang wala po kasi ang trabaho lang ng office is mag-release ng pondo on implementation side ay hindi po namin alam, hindi ko po alam.

[Undersecretary] 'yun po bang nabanggit na foundation halimbawa itong Philippine Development and Social Foundation 'yan po ba ay bogus sa pag-iimbestiga niyo?

Alam n'yo po pina-verify po namin sa Securities and Exchange Commission (SEC) alam n'yo 'yun pong lumabas sa diaryo na mga foundation na bogus mayroon po siyang registration, naka-register po so, hindi po siya bogus.

Naka-register po 'yon 'yung mga foundation na 'yon, pina-verify ko po sa mga staff ko 'yung after na lumabas nga ito na bina-blackmail nagpa-verify po ako at sa SEC ay naka-register 'yon.

So, kahit po pala nagamit ang opisina ni Senator Magsaysay nitong foundation na ito ay wala din po palang magiging problema?

Sa tingin ko po ay wala kasi may registration.

Kasi doon sa newspaper ang nakalagay ay bogus which means wala siyang SEC registration pero noong nag-verify kami ay naka-register naman siya.

E bakit po kaya nagkaroon ng ganoong pakiramdam si Senator Magsaysay na noong ipakita niyo 'yon ay parang bina-blackmail niyo po siya?

Alam n'yo po hindi ko alam.

Nagkausap na ba kayo, sabi niyo close kayo kay Senator Magsaysay?

Tinawagan ko po siya at ini-explain ko po [sa kanya].

Hindi po sa text ha?

Hindi po. At saka 'yung isyu na death threat.

'Yun pong isang bala ka lang hindi sa inyo galing 'yon?

Alam niyo po ako ay napaka-duwag ayaw kong makakakita ng baril, ayaw ko po ng may magpapaputok sa totoo lang hindi ko gagawin 'yon.

Alam niyo po sa totoo lang ako ay simpleng tao, ako naman ay ordinaryong tao sa totoo lang at ako ay duwag.

Baka mayroong nagsamantala ng sitwasyon at 'yun nakialam na e kayo po ang napaghinalaang nagba-blackmail kay Senator Magsaysay dahil nauna nga 'yung ganoong sitwasyon 'yun pala ay nagmamalasakit lang kayo sa kanya?

Talaga pong ang intention namin ay para sabihin sa kanya baka hindi niya alam na mayroon siyang napirmahan e nakakaawa naman siya kung lalabas sa diaryo na ito si Senator Magsaysay mayroon din palang ini-endorse na ganitong foundation.

Ang sa akin, kami po ni Joey pareho kasi kami close kay Senator Magsaysay at saka ako po ay nakakalapit kay Senator Magsaysay tungkol sa mga problema sa opisina, nakakalapit po ako sa kanya nakakapagsabi ako, kaya hindi ko po talaga gagawin na i-blackmail si Senator.

[Undersecretary] Gonzales kami po ay nagpapasalamat sa oras ninyo basta hindi po kayo talaga ang nag-text sa kanya nito ito po ang nakasulat e "itigil na niyo ang pag-iimbestiga niyo kung ayaw n'yong mabura sa mundo."

Naku e kahit ako ay utusan ay hindi ko po kayang gawin 'yan, hindi po.

Ito po ang cell number 0915-9077994, hindi n'yo number ito?

Hindi po 'yon ang akin dahil ito iba ang cell phone number ko , hindi 'yan tanungin n'yo po sa secretary n'yo.

Oho, iba nga po 'yung tinawagan namin. Undersecretary pinapasaya lang namin ang umaga niyo?

Oho nga po salamat naman po, sana po naman ay ma-realize ni Senator magsaysay talagang ang iniisip lang namin ay siya kaya namin siya kinausap. Wala po kami talagang ng intention na ipatigil yung investigation.

At kung bibigyan din lang kayo ng clearance ay pupunta kayo doon?

Alam n'yo po, oho.

Gustong gusto niyong humarap sa Senado?

Actually para matigil na 'yung isyu na mayroong ginamit sa eleksyon kasi sa totoo lang hindi ko alam kung paano po gagawin 'yon.

Sana po ay maano ni Senator Magsaysay na talagang hindi ko po gagawin 'yon.

===

Magsaysay pins down Joc Joc on ‘scam’


SEN. Ramon Magsaysay Jr. yesterday said the committee on agriculture and food has enough evidence to pin down former Agriculture Undersecretary Jocelyn "Joc Joc" Bolante on the overpricing and ghost deliveries related to the DA’s Ginintuang Masaganang Ani (GMA) farm modernization program.

"We are in the process of putting this together. But si Bolante ang unang-una responsible rito. Ayon sa dumating na testimonies natin sa mga hearings, Bolante was the man in charge. He was the one who put all of this grand strategy together," Magsaysay said in a briefing after the committee’s fourth hearing on the alleged diversion of the P728-million in fertilizer fund to the campaign kitty of President Arroyo.

Magsaysay said testimonies and documentary evidence gathered by his committee have shown that the liquid fertilizers purchased and allegedly distributed to the local government units were overpriced and, in some cases, "there were even ghost deliveries."

Magsaysay said the liquid fertilizers were not the kind used by local farmers. "In short, there were no consultations done with the farmers on the fertilizers acquired or recommended," he said.

A witness, Jose Barredo Jr., said he was part of a group that Bolante allegedly "hired" to coordinate with congressmen, governors and mayors who all allegedly participated in the anomaly.

Barredo claimed he worked with a Maritess Aytona, said to be a contractor of liquid fertilizers for the DA. He said he and Aytona started working together in January 2004.

Barredo quoted Aytona as saying that DA funds were used to purchase the liquid fertilizers from Feshan Phils. Inc. based in Quezon City.

"Gumamit ang Feshan ng maraming brokers and runners para maghikayat sa mga officials ng gobyerno para gamitin ang mga pondong nilaan ng DA para pambili ng fertilizer sa Feshan," Barredo said.

Barredo said Feshan was chosen as supplier of liquid fertilizer because "may connection ito kay Usec Bolante at itong kumpanyang ito ang binigyan ng karapatan ni Usec Bolante na mag-supply nang liquid fertilizer sa mga LGU officials, congressmen at saka governors bago mag-eleksyon ng 2004."

Barredo said he and Aytona talked with several local executives, among them a Mayor Castillo of Pulilan, Bulacan, a Mayor Pagdanganan of Calumpit, Bulacan, Representatives Neneng, Nicolas Monico Fuentebella, Oscar Garin and Edgar Espinosa, Capiz Gov. Vicente Bermejo, Aklan Gov. Florencio Miraflores and Kalibo Mayor Reymar Rebaldo.

Sen. Panfilo Lacson said Bolante and First Gentleman Mike Arroyo met in Hong Kong last Sunday, where the Arroyo clan had a brief "reunion" after President Arroyo attended the APEC meeting in Busan, South Korea.

Lacson said a Rotary Club member told him the meeting took place before Bolante joined other Rotarians for dinner.

"When you meet a lot of people, mahirap itago na nakipag-meeting ka. I am also a Rotarian. I have my own sources from within the Rotary. Kaya nalaman natin na nakipag-meeting siya kay Atty. Mike Arroyo sa Hong Kong. Kung ano ang pinag-usapan nila, that’s beyond me as of now," Lacson said.

Lacson said Bolante flew to Hong Kong from the United States and left for the US again after his meeting with Mr. Arroyo.

Magsaysay said he is giving Bolante until the fifth hearing slated next year to present himself before the committee.

"We would still want to hear his side so we hope he would come in the next hearing," he said.

He said if Bolante still fails to attend "then we will decide what to do with him." – Joan Dairo, Malaya on-line

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012