Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, January 15, 2006

4 Kano nakalusot sa aresto

Posibleng hindi maisilbi ngayong araw ang warrant of arrest laban sa apat na sundalong Amerikano na nasa kustodya ng US Embassy sa Maynila na may kaugnayan sa kasong rape na isinampa ng isang 22-anyos na Pinay.

Ito ang tantiya ni Foreign Affairs Spokesman Atty. Gilbert Asuque matapos na makaabot sa DFA na sarado ang embahada dahil sa paggunita ng Martin Luther Day na nakadeklara bilang holiday sa Estados Unidos.

Ayon kay Asuque, sakaling matanggap nila ang mandamyento de aresto laban sa mga akusadong sina Staff Sgt. Chad Carpintier, Corporals Daniel Smith, Keith Silkwood at Dominic Duplantis ay hindi pa nila maisisilbi ito dahil na rin sa pista opisyal sa US Embassy.

Aniya, maging ang lahat ng transaksyon tulad ng pagkuha ng US visa at interview sa mga bagong aplikante ay sinasabing kanselado.

Sinabi ni Asuque na posibleng sa Martes na o sa susunod na mga araw nila isisilbi ang warrant.

Sa ngayon, hawak na ng Department of Justice at binuong team ng NBI ang naturang arrest order.

Gayunman, tiniyak ni Asuque na gagawin nila ang lahat ng legal at judicial na proseso alinsunod na rin sa isinasaad ng batas.

"We will continue to pursue this matter through diplomatic channels, and any differences shall be resolved through dialogue and diplomacy," ani Asuque.

Kamakalawa ay nagpahayag si Justice Sec. Raul Gonzalez na bagaman may hawak na arrest warrant ang pamahalaan, hindi nangangahulugan na ipapasa na ng US Embassy sa gobyerno ang kustodya ng nabanggit na mga akusado base na rin sa sinusunod na RP-US treaty na nakapaloob sa Visiting Forces Agreement (VFA). (Mer Layson/Ellen Fernando - Ang Pilipino STAR Ngayon)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012