Hustisya sa Pinay na inabuso ng GIs
Ang Pilipino STAR Ngayon EDITORYAL – Hustisya sa Pinay na inabuso ng GIs
YES! Magandang balita kung maaaresto na bukas ang apat na sundalong Amerikano na nanggahasa sa 22-anyos na Pinay. Tama lang. Dapat nang makamtan ng kawawang Pinay ang hustisya laban sa ginawang kahayupan ng apat na Kanong sina Cpls. Keith Silkwood, Chad Carpentier, Dominic Duplatis at Daniel Smith.
Marami nang Pinay ang inabuso ng mga Kano noong hindi pa nabubuwag ang base militar sa Pilipinas. Hindi lamang pangre-rape ang nagaganap kundi pagpatay din. Kawawa naman ang mga Pinay kung hindi makakamit ang hustisya. Kapag pinatay sa ibang bansa ang Pinay, iuuwi na lamang na isang bangkay at ang salarin ay nawala nang parang bula. Kapag ginahasa sa ibang bansa, uuwing tulala at masisiraan ng bait at wala nang makakamit na katarungan. Kapag inabuso ng amo o kaya’y sinaktan, pinalantsa ang mukha at binuhusan nang mainit na tubig, wala nang makuhang katarungan. Balewala na lang ang nangyaring pagtampalasan. Ganyan ang Pinay at nati-take naman ito ng pamahalaan – wala silang ginagawang hakbang para maproteksiyunan ang mga kawawang Pinay. Ganyan kawawa ang Pinay pagdating sa ibayong dagat. Napupuno ng sugat ang katawan at hindi maasikaso ng pamahalaan.
Ang masakit ay kung dito sa sariling bayan tampalasanin ang Pinay. Katulad nga nang panggagahasa sa Pinay ng mga sundalong Kano noong November 1, 2005. Nangyari umano ang panggagahasa sa loob ng isang tumatakbong van na ang nagda-drive pa ay isang gagong Pinoy. Inarkila ng mga Kanong "rapist" ang Pinoy.
Nakilala ng Pinay ang isang Amerikano sa isang bar at makaraan ang pagkikilala ay dinala sa isang van. Makaraan ang ilang oras, nakita na lamang ng mga nagpapatrulyang pulis sa loob ng Subic Freeport ang Pinay na naka-panty na lamang at naghehestirikal. Dinala sa ospital ang Pinay at doon ipinagtapat ang ginawang panggagahasa sa kanya ng mga Amerikano.
Kinukuwestiyon ang custody ng US sa kanilang mga sundalo. Hindi raw dapat ang ganito. Dapat ibigay sa custody ng Pilipinas. Bukas ay makikita kung magkakaroon ng katuparan ang pag-aresto sa apat. Kung ang pinatay na Haponesa ay nakakamit ng katarungan sa tumampalasang mga Kano, bakit hindi ang Pinay na pinagparausan. Nasaan ang kaluluwa ng mga Kanong ganid sa laman?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home