Kaso sa driver sa Subic rape case iginiit
HINILING ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni sa mababang korte na ibalik si Timoteo Soriano sa pagiging akusado sa Subic rape case.
Ito ay makaraang magsampa si Jalandoni ng motion for reconsideration kay Olongapo City RTC Judge Renato Dilag sa ipinalabas na naunang resolusyon ng nasabing hukom na nagpapawalang-sala kay Soriano sa kaso.
Nabatid na itinakda ang pagdinig sa inihaing mos-yon ni Jalandoni sa dara-ting na Enero 27.
Matatandaan na si Soriano ang driver ng van na sinakyan ng mga sundalong Amerikano kung saan isinagawa ang umano'y panggagahasa sa isang 22 anyos na Pinay.
Inabsuwelto ni Judge Dilag si Soriano dahil sa kawalan ng sapat na basehan para idawit ito sa kasong panggagahasa.
Ngunit iginiit ni Jalandoni sa kanyang mosyon na dapat kilalanin ni Dilag ang kapangyarihan ng piskalya nang tiyakin nitong may "probable cause" para isulong ang kaso laban kay Soriano.
Bunga nito, inaasahan na mabibimbin pa ang pagtatakda ng arraignment sa apat na sundalong Amerikano na dawit sa nasabing kaso.
Arlene Posadas, Taliba

0 Comments:
Post a Comment
<< Home