Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, February 17, 2006

'Little Big Star' finalist from Subic

TATTLE
Nel Alejandrino
People's Tonight

Bilib din kami sa Little Big Star (Big Division) finalist na si Rhandy de Silva. At 13, 'di niya itinatagong bading siya.

He knows his dad is an American Negro. Rhandy, though, has never met him. At wala siyang pangarap na ma-meet ito.

Kung sabagay, obvious na alam ni Rhandy na mahihirapan siyang makilala pa ang ama. Last April kasi, biglaang namatay ang kanyang ina. Sumakit daw ang tiyan nito. Itinakbo nila ito ng kanyang lola sa ospital. Apparently daw, sinasakan ito ng injection na mali ang gamot.

Sa kasalukuyan, bukod sa kanyang lola, isang uncle niya ang kumukupkop sa kanya at sa kanyang three-year-old na kapatid.

Tumigil siya sa pag-aaral as a first year student sa Subic National High School mula nang mapasali
"Little Big Star" hosted by Sarah Geronimo

siya sa Little Big Star.

Sa isang kamag-anak nila dito sa Maynila sila nakatirang mag-lola.

So far, ayon kay Rhandy, nanalo na siya ng P10,000 bilang finalist sa Little Big Star Big Division. Wala pa nga lang ito sa kanyang kamay.

Once na naibigay na ito sa kanya ng mga kinauukulan sa ABS-CBN, buo ang perang ibibigay niya sa kanyang lola.

'Di lang daw nagsisilbing inspirasyon ni Rhandy ang kanyang lola. Ito rin ang matiyagang nagtuturo sa kanyang kumanta.

Natatandaan ni Rhandy na ang unang awiting natutunan niya ay ang Reflection. He was three years old then.

Paano niya nalamang pang-contest ang boses niya?

"Madalas po akong i-assign para kumanta sa aming mga school program," sagot niya.

Ano ang chance na manalo siya bilang monthly finalist sa Super Showdown na gaganapin sa Saturday, February 18?

"Gagawin ko ho ang lahat ng makakaya ko. Kailangan ko hong manalo, alang-alang sa lola, kapatid at uncle ko. Pero magaling din ho si Melvin," ani Rhandy.

1 Comments:

  • I can't explain why, I just want Rhandy to WIN.
    I love this kid.....very talented kasi.
    Even hindi siya ang maging Grand Champion, still Champion pa rin sya 4 me.
    Pero sana manalo sya......

    By Anonymous Anonymous, at 3/23/2006 4:22 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012