Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, February 15, 2006

LIVELIHOOD SEMINARS UMARANGKADA NA!

City Public Affairs Office

Sa mga barangay consultations, laging iniimbitahan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga mamamayan na tangkilikin ang mga iniaalok na mga training skills ng Livelihood and Cooperative Development Office (LCDO).

Nakapagsagawa na at patuloy pang nagsasagawa ng mga seminars ang departamento tulad ng fish processing, fruit preserves making, herbal soap-making, balloon decorating, scented candle making at iba pa.

“Huwag lamang tayong umasa na maging empleyado sa mahabang panahon. Kailangan na tayo ang mag may-ari ng negosyo,” ayon kay Mayor Gordon, “kahit magsimula muna sa maliit na puhunan lamang,’’ dagdag pa niya.

Samantala, mismong si First Lady Anne Marie Gordon ang pangunahing tumututok sa pagpapatupad ng livelihood at self-employment initiatives ni Mayor Gordon upang matiyak ang tagumpay nito.

Kaya naman, sunod-sunod na skills at training seminars ang isasagawa ng LCDO sa pakikipag-tulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO)of Plaridel, Bulacan na kinabibilangan ng Paperbag Making (Feb. 13-14, 2006, 1PM-5PM), Toyo and Suka Making (Feb. 16, 2006, 1PM-2:30PM), Pastillas Making (Feb. 16, 1PM-2:30PM), Empanada Making (Feb. 17, 2006, 2:30-5PM) at Scented Candle Making (Feb 15, 2006, 1PM-5PM).

Bukod sa mga skills seminars, tumutulong rin ang pamahalaang-lungsod na makipag-ugnayan sa mga bangko at mga pinansyal na institusyon para sa mga puhunan na kakailanganin ng mga nais na magnegosyo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012