Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, February 15, 2006

Congressman, sinapak ng governor

(Rey Marfil - TONITE)

Sa halip na magmahalan at magturingang magka-pamilya ngayong Valentine's Day, nauwi sa 'cariƱo brutal' ang paglalambingan ngdalawang elected official matapos magsapakan sa isang inaugurationrites gayong iisang angkan at lalawigan lamang ang pinagmulan ngmga kumag.

Ang matinding nadiskubre ng TONITE Spy, kamuntikan pang umaktongreperi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sapakang naganap sapagitan ng dalawang elected official kung napaaga ng dating saceremonial ground, partikular sa inauguration ng bagong nursing college sa isang lalawigan.

Bago dumating si Mrs. Arroyo sa binuksang nursing college saisang lalawigang malapit sa Metro Manila, nagpang-abot sa entabladoang dalawang elected official kung saan pinagsasapak ni Governor ang walang kalaban-laban at kamag-anak nitong Congressman.

Ang nakakalungkot lamang, animo'y hindi naturuan ng good mannersand right conduct (GMRC) si Governor sa elementarya, as in hindiman lamang inirespeto ang pagiging senior citizen ni Congressman matapos sapakin sa harap ng mga magulang, estudyante, guro atbisitang dumalo sa pagbubukas ng bagong nursing college sa kanilanglalawigan.

Kung susuriing mabuti, maihahalintulad lamang sa away-bata angnamagitan sa dalawa matapos pagbintangan ni Governor si Congressmanbilang promotor sa pagkakabura ng kanyang pangalan sa listahan ngmga bisita.

Nang malaman ni Governor ang pagkabura ng kanyang pangalan,walang ibang pinagduduhan kundi si Congressman at kaagad kinompronta sa harap ng mga guro, estudyante, magulang at bisitaang matanda, kasabay ang pag-igkas ng kamay para sapakin angmambabatas na kaagad naman naawat ng mga security nito.

Habang pinagmumura, wala namang magawa ang matandang Congressman kundi saluhin ang mga sapak ni Governor dahil mas maraming tauhanat security personnel ang local official kumpara sa dalawang aidenitong kasama.

Makaraan ang pananapak, isa pang kamag-anak nitong Congresswoman ang umepal sa eksena matapos sulsulan si Governor at palabasin pangkasabwat ng matandang Congressman ang organizer o miyembro ng boardof director ng bagong unibersidad sa pagkakabura ng kanyangpangalan.

Sa halip na pahupain ang tensyon at awatin, lalong pinagsabongni Congresswoman ang dalawa matapos pagsalitaan ng masasama angmatandang Congressman kung saan ipinagdiinan nitong pasimuno sapagkakabura ng pangalan ni Governor.

Sa puntong ito, lalo pang nagwala si Governor at pinagmumura saharap ng maraming tao o bisita ang faculty members, sampu ng boardof directors ng bagong unibersidad kung saan piping-saksi naman sapangyayari ang advanced team ng Presidential Security Group (PSG) ni Mrs. Arroyo.

Clue: Magkamag-anak ang tatlo at iisang angkan ang kanilangpinagmulan, as in maiden name ng matandang Congressman ang apelyidonina Governor at Congresswoman. Si Governor minsan nang dinukot ng rebeldeng komunista habang kinasuhan ng malicious acts angmatandang Congressman ng isa sa sexy star.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012