Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 14, 2006

MASS WEDDING HANDOG NI MAYOR GORDON

City Public Affairs Office

Isa na namang Mass Wedding ang isasagawa ngayong Araw ng mga Puso sa Olongapo City Convention Center (OCCC). Ito ay isa sa mga proyekto ni Mayor Bong Gordon para sa mga mag-asawa na nagsasama na hindi pa kasal.

Ayon sa Local Civil Registry Office ang maaari lamang mapabilang sa gaganaping Mass Wedding ay ang mga mag-asawang nagsasama ng hindi bababa sa limang (5) taon pataas na ayon na rin sa isinasaad ng batas.

Ayon kay Civil Civil Registry Head Keren Cajudo mahigit 127 mag-asawa ang naikasal nong nakaraang taong 2005 Mass Wedding, kung kaya’t tinatarget nila ang 150 pares na magpapakasal ngayong taon na ito.

Mismong si Mayor James “Bong Gordon ang magkakasal, at ito ay handog niya para sa Araw ng mga Puso.

Kaugnay na balita . . .
LIBRENG ‘’PATALI’’ SA JAMES L. GORDON MEMORIAL HOSPITAL

Magkakaroon ng Free Ligation o ‘’Patali’’ sa ika-17 ng Pebrero 2006 sa James L. Gordon Memorial Hospital simula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

Ang nasabing Free Ligation ay isa sa mga programa ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa pakikipagtulungan ng City Population Office, Marie Stopes Ligation at ng James L. Gordon Memorial Hospital.

Ayon kay City Population Office Coordinator Linda Raagas, ‘’Ang pagpapatali ay 99.9 porsiyento na epektibo kumpara sa ibang paraan ng pagpaplano ng pamilya’’.

Kabilang sa layunin ng programa ay bawasan ang bilis ng pagtaas ng populasyon, maisa-ayos ang buhay ng pamilya, magkaroon ng magandang edukasyon ang mga anak at maging malusog ang bawat miyembro nito.

Maaaring sumadya ang mag-asawa sa City Population Office tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes para sa rehistrasyon ng isasagawang ligation.

Kinakailangan na nasa hustong gulang at wastong pag-iisip na sumasang-ayon na sumailalim sa isasagawang ligation bilang permanenteng paraan sa pagpaplano ng pamilya.

Para sa mga interesado at nais malaman ang iba pang impormasyon ukol sa isasagawang free ligation ay maaaring sumadya lamang sa City Population Office Ground Floor ng City Hall.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012