OLONGAPEÑOS SA ABROAD, HINDI LUMILIMOT
City Public Affairs Office
Isang magandang regalo ang ipinaabot ng ating mga kababayang Olongapeño na nagbalik-bayan upang magbigay ng kanilang tulong sa lungsod.
Si Connie Leyva, presidente ng Olongapo City Association of San Diego, California ay nag-abot ng $1,000.00 cash na donasyon kay Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa harap ng buong Sangguniang Panlungsod. Ani Leyva, “simula pa lamang ito sa mga tulong na aming pagsusumikapang maibigay sa tahanang-lungsod namin sa Olongapo .” Aniya pa: “Bukas-palad kami sa pagtulong dahil mismong si Mayor Gordon ang personal na dumalaw sa amin sa Amerika para iprisinta doon ang City Masterplan. Gusto namin na makatulong sa pagtupad ng lalo pang pag-unlad ng Olongapo.”
Noong nakaraang taon, ang mga Olongapeño sa California ang binisita doon ni Mayor Gordon upang mabuksan ang mga oportunidad ng lungsod sa mga grants at upang iprisinta ang mga plano ng lungsod at nang malaman ng ating mga kababayan doon kung saan at paano sila makakatulong.
Matapos ang pag-abot ng cash donation, ipinirisinta naman ni Mayor Gordon ang sertipiko ukol sa pagkakaroon ng Sister-City Relationship Status sa pagitan ng Olongapo at National City ng California. Ang pagkakaroon ng relasyong “sister-city” ay isang mabisang paraan upang magkaroon ng ugnayan ang mga bayan, maging sa ibang bansa man, para sa misyong mag-aangat ng kalagayan ng mga mamamayan at kaunlaran ng bawat bayang may unawaan. Sa ganang ito, mas malaki ang pagkakataong makakuha ng suporta ang Lungsod ng Olongapo, ito’y maging sa aspetong pinansyal man at iba pa.
Ayon kay Mayor Gordon, “Ang pakiipag-ugnayan natin sa ating mga kababayan maging nasa ibang bansa man sila ay may mabuting bunga, tulad nito. Sapagkat ang mga Pilipinong taga-Olongapo, kahit saan man sa mundo, ay laging mananatiling may malasakit at hahanap ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang makakaya.”

0 Comments:
Post a Comment
<< Home