Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, February 15, 2006

Legaspi ranked 12th in Singapore Chess Competition

Batang Olongapeño, Nakuha Ang 12th Rank Sa Isinagawang Chess Competition Sa Singapore
City Public Affairs Office

Talagang hindi magpapahuli ang galing ng pinoy sa larangan ng palakasan. Kamakailan ay ipinadala sa Singapore ang batang Olongapeño na si Kaye Ann Legaspi bilang kinatawan ng bansa sa 1st Asian Schools Chess Festival, kategorya ng girls under 11. Pitong (7) bansang naglaban-laban sa nasabing kompetisyon at ito ay ang Malaysia, Singapore, India, Srilanka, Korea, Indonesia at Philippines.

Hindi maipagkakaila ang galing ni Kaye sa paglalaro ng chess sapagkat 7 yrs. old pa lamang siya ay nagsimula na siyang sumali sa mga chess tournaments gaya ng City Meet, OCPRISAA kung saan siya ang tinanghal na kampeon, pati na rin sa Age Group Championship at 5th Asian Schools Chess Championship kung saan pareho niyang nakuha ang bronze medal.

Sa edad na 11 yrs old maituturing na siyang bihasa sa larangan ng chess sapagkat ultimo ang kanyang ama na si Atty. Edmundo Legaspi na siyang tumatayong trainor nito at kilala rin bilang magaling sa paglalaro ng chess ay natatalo na ni Kaye.

Proud na proud naman ang kanyang ina na si Norlynn Givertas pati na rin ang kanyang mga kapatid, kaibigan at guro sa St. Joseph College kung saan siya ay nag-aaral ng grade five.

Bunso si Kaye sa tatlong magkakapatid at ayon sa kanyang ama tanging siya lamang sa kanilang magkakapatid ang naka-mana ng pagkahilig at husay sa paglalaro ng chess.

Talagang maipagmamalaki nating mga Olongapeňos ang husay at galing ni Kaye sa larangang ito. Isang patunay lamang ito na ang mga Pilipino ay likas ang kagalingan sa larangan ng palaksan at nararapat lamang na bigyan ng pagkilala sa pagbibigay karangalan nito hindi lamang sa ating bansa bilang Pilipino higit lalo ang pinagmulan niya ang lungsod ng Olongapo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012