Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, February 05, 2006

RECRUITERS WALANG 'K' SA PDOS - GORDON

Maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang makakaiwas na mapasok sa gulo sa ibang bansa, tulad ng umano'y pagpatay ng isang Filipina sa kanyang amo sa Kuwait, kung maayos at komprehensibo ang pre-departure orientation seminar (PDOS) na ibinibigay sa kanila.

Ito ang inihayag ni Sen. Richard J. Gordon kahapon kaugnay ng mga report na nakarating sa kanyang tanggapan na halos wala nang saysay ang PDOS ng mga OFWs sa kasalukuyan dahil hindi nito ganap na naihahanda psychologically at emotionally ang mga manggagawang Pinoy para sa mga problemang haharapin sa ibang bansa.

Ayon kay Gordon, dapat i-overhaul ng pamahalaan ang PDOS, lalo pa't ang pagbibigay nito ay ipinabahala na sa kung anu-anong organisasyon, pati na ang mga recruiter ng mga OFW, na aniya'y hindi maiiwasang magkaroon ng vested interest.

"I see a conflict of interest in the giving of PDOS by organizations of placement agencies or recruiters. Naturally, the recruiters would use the PDOS to hammer on the responsibilities of workers to them and their employers, without touching on the rights of OFWs," wika ni Gordon.

Patungkol sa Filipinang nahaharap sa bitay sa Kuwait, sinabi ni Gordon na tungkulin ng pamahalaan ng Pilipinas na tulungan ang lahat ng Filipinong nahaharap sa gusot sa ibang bansa. ABANTE

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012