BONGGO BOXING TRAINING, DINAGSA
Dumagsa sa Rizal Triangle Covered Court ang mga boxing aspirants na nais sumunod sa yapak nina Onyok Velasco at Manny Pacquiao. Ito ay dahil sa inorganisang Boxing Training Program ng pamahalaang lokal na ginanap noong Marso 11, 2006. Mapa-bata, matanda at kababaihan ay lumahok sa ginanap na training.
Si Manuelito Velasco, kapatid ng dating Olympic silver-medalist na si Onyok Velaso, at head ng Philippine Boxing Team, ang nagbigay ng training ukol sa basics ng sports na boxing. Tunay na de-kalibreng trainor ang kinuha ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. upang seryosong mahasa ang mga participants sa ginanap na training.
Si Mayor James “Bong” Gordon Jr., na siyang may ideya ng naturang proyekto, ay masusing sumaksi sa naganap na training. Ikinatuwa ni Mayor Gordon na maraming nagkaroon ng interes at sa kanyang pananalita ay binati niya ang mga kalahok: “Pag-igihan ninyo ang pagsasanay, sapagkat ang lahat ng tagumpay ay nagsisimula sa pagtitiyaga at simpleng pangarap. Ang kabuuan ng malusog na pagkatao ay dapat na malusog sa isip, katawan at ispirito.”
Ang proyektong ito ay isang paraan para mahikayat ang mga kabataan na mahilig sa mga palaro. Ang sports ng boxing ay nagtuturo ng disiplina, kontol at pokus. Paraan din ito upang mailayo sa bisyo at masasamang barkada. Napapanahon din ang sports para may makabuluhang pagka-abalahan ang mga kabataan ngayong bakasyon.
“Ang maganda pa nito, oportunidad rin ito upang maging tanyag sa ibat-ibang larangan ng palakasan at maipanlaban sa mga palaro hindi lamang dito sa ating bansa pati na rin sa mga international competitions,” dagdag pa ni Mayor Gordon.
Olongapo City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home