Mayor Wilma Billman, pormal nang ibinalik sa pwesto
Kamuntik nanamang magkagulo sa Castillejos matapos ideklara ng Comelec ang desisyon na si Billman nga ang nagwagi noong May 10, 2004 elections kung saan nagwagi ito ng isang boto laban kay Jose Angelo Dominguez.
Pinatalsik sa pwesto si Billman noong September 20, 2004 matapos balewalain ng COMELEC 1st division ang kanyang proklamasyon noon 2004. Pansamantalang pumalit sa kanyang pwesto si Vice Mayor Enrique Clarin. Matatandaang mariin din tinutulan ni Billman ang naturang desisyon.
Nagpapasalamat si Billman sa COMELEC dahil narinig din anya ang tunay na tinig ng masa. Nagpasalamat din sya sakanyang mga taga suporta sa walang tigil na pagtitiwala sa kanya . . . "maraming maraming salamat sa lahat at natapos na ang ating problema sa castillejos, sana nga ito na yong end ng political crisis dito sa castillejos, sana wala nang susunod para naman ang ating mga programa ay tuloy-tuloy nang magawa." ani Billman

0 Comments:
Post a Comment
<< Home