Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, May 05, 2006

5 pulis-Gapo sinibak dahil sa hijacking

Limang pulis kabilang ang isang opisyal ang sinibak sa puwesto kahapon matapos na masangkot sa hijacking ng isang container van na naglalaman ng 75 kahon ng imported na alak sa bahagi ng Dinalupihan, Bataan noong nakalipas na Marso.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Ismael Rafanan, kinilala ang mga pulis na sina Inspector Christopher Obien, PO2s Ysmael Dupa at Jess Centillas; PO1s Christopher Valera at Rodelio Salas na pawang nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Olongapo City.

Ayon kay P/Senior Inspector Joanna Ponseca, ang pagsibak sa nasabing mga pulis-Gapo ay may kaugnayan sa pagkakasabit ng kanilang mga pangalan sa nabanggit na kaso.

Kamakalawa ay kinasuhan na ang 5 pulis-Gapo kasama ang anim na sibilyan ng kasong robbery, hijacking, car theft, attempted murder, grave threats, qualified theft at paglabag sa Republic Act 3019 ng negosyanteng si Elena Villar.

Ang nasabing mga pulis ay ikinanta ng mga sibilyang hijackers na kasabwat sa illegal na operasyon.

Nabatid na noong nakalipas na Marso ay hinayjack ng mga suspek ang container van sa bahagi ng Barangay Colo sa bayan ng Dinalupihan, Bataan.

Ang driver at helper ng container van ay piniringan at iginapos ang mga kamay saka nilimas ang mga imported na alak.

Sa follow-up operations ay nakumpiska naman ang 33 pang kahon ng alak mula sa bahay ni Christy Manalang ng Fountain St., Barangay East, Bajac-Bajac, ayon pa sa ulat ng pulisya. (Joy Cantos at Jeff Tombado - Pilipino Star)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012