Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, May 10, 2006

VENDORS’ MANAGEMENT TEAM, BUBUUIN NA!

Dahil sa padami ng padami ang mga vendors sa lungsod, ipinasa na ng Sangguniang Panlungsod ang isang Ordinansa para sa pagtatag ng Olongapo Vendors’ Management Team upang isaayos ang mga vendors ng lungsod.

“Umaabot sa dalawang-libong (2,000) mahigit ang mga vendors na nagkalat na sa ating mga lansangan kung kaya’t dapat na isaayos sila,” ayon kay Kgd. John Carlos Delos Reyes na siyang may-akda ng naturang Ordinansa batay sa tungkulin ng administrasyon ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. “Bagamat magandang indikasyon na dumarami ang nagnanais magnegosyo, dapat na magkaroon ng maayos na sistema para pamahalaan sila.”

Ang pagtatatag ng Olongapo Vendors’ Management Team ay naglalayon na magsagawa ng kontrol sa dami at sa pagtatakda ng mga lugar ng mga vendors. Layunin din nito na pangalagaan ang interes ng mga vendors lalo pa ng mga lehitimong mangangalakal. Ang mga isyu ng kalinisan, kaayusan at pagiging hindi sagabal trapiko ang prayoridad na agad matugunan.

Magiging kabahagi ng naturang management team ang mga barangay officials, PNP, City Legal Office, vendors association mula sa Pag-asa, East Bajac-Bajac at West Bajac-Bajac, at iba pang kaugnay na mga sangay ng pamahalaan at sektor ng lipunan.

“Magkakaroon ng dayalogo sa mga vendors upang magsagawa ng mga polisiya o guidelines upang walang maabuso at masagasaang grupo. Maselan ang usapin kung kaya’t agaran ang magiging pagpupulong tuwing Lunes at Huwebes nang sa gayo’y mapag-usapan ang mga problemang kinakaharap ng mga vendors,” pagtatapos ni Kgd. Delos Reyes.
By: Olongapo PAO

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012