Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, June 13, 2006

NAGTAPOS NA LIVELIHOOD TRAINORS

Nagtapos sa isang simpleng graduation ceremony nitong ika-27 ng Mayo 2006 sa FMA Hall ang dalawamput isang (21) kababaihang buhat sa ibat-ibang barangay sa lungsod na sumailalim sa 6 day In-house Livelihood Trainors Training Seminar sa Binictican Housing, Subic Bay Freeport Zone.

Sa mga graduates, tatlo (3) rito ang nagkamit ng mataas na karangalan kabilang na ang 1st honor buhat sa Brgy. Barretto na si Michelle Paule, 2nd honor Lilibeth Nacion ng Brgy. Barretto pa rin at 3rd honor Socorro Garate buhat sa Brgy. Sta Rita.

Anim (6) naman ang tinanghal bilang mga honorable mentions kabilang sina Maria Layug (Brgy. Barretto), Jocelyn Moratin (Brgy. Banicain), Mary Jane Mayoyo (Brgy. New Ilalim). Normita Rolle ( Brgy. EBB). Linda Mari (Brgy. Old Cabalan) at Mercy Nunez (Brgy. WBB).

Mismong si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang nag-abot ng certificates na higit pang nagbigay inspirasyon sa mga graduates sa kanyang mensahe, ‘’sana ang mga natutuhan ninyo sa training seminar ay inyong maibahagi sa inyong mga ka-barangay upang inyong maitaas ang antas ng kabuhayan sa ibat-ibang barangay sa lungsod.’’

‘’Sana ay maging sugo kayo ng karunungan,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon. Ang isinagawang In-house Livelihood Trainor’s Training Seminar ay kabilang sa mga naka-line-up na livelihood project ni Mayor Gordon sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Richard Gordon at ng Simulaing Gabay sa mga Entrepinay Foundation (SIGE) at ng Technology & Livelihood Resource Center.

Kabilang sa mga nagbigay ng training ay sina Executive Director SIGE Foundation Dr. Lydia L. Pedernal at si SIGE National President Estrella Valmocina, ang apat (4) na trainors buhat sa TLRC na nagbigay ng kaalaman sa meat processing, fish processing at fruit and vegetable processing na naging sentro ng seminar.

Dumating rin sa seremonya bilang pagbibigay suporta sa mga graduates sina Kgd. Marey beth Marzan, Livelihood Cooperative and Development Office (LCDO) Head Aileen Sanchez, Gordon Heights Brgy. Capt. Damian delos Santos at mga opisyales nito

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012