Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 08, 2006

Sapnu: Gang rape sa Olongapo City?

By Ric Sapnu
Dateline, Sun Star

NOONG Mayo 28, siyam na kabataan ang ini-report ng pulisya na gumahasa sa 39 na taon na biyuda sa isang beach resort sa Barangay Barreto, Olongapo City.

Sa ulat na pinarating sa Camp Olivas, kaagad inaresto ng pulisya ang siyam na mga kabataan na pawang taga Angeles City at Porac dahil sa reklamo na isinampa ng biktima na si Rose (di tunay na pangalan).

Ang mga inaresto ng pulisya ay kinabibilangan nina Ram Gutirrez, 26, ng Holy Angel Village; Ranier Macam, 20, ng Linis Subdivision; Don Jason Cunanan, 21, ng Villa Theresa Subdivision; Jason Yu, 21, ng Timog Park; Wilward Gutierrez, 18, ng Zamora Subdivision; Jonas Paguio, 15, ng Holy Family, Phase 2, Cut-Cut; Jayson Cingian, 20, ng Essel Park; Eliezer Muli, 20, ng Villa Angela, pawang sa Angeles City; at Joniel Gutierrez, 20, ng Manibaug Libutad, Porac, Pampanga.

Sang-ayon sa report, si Rose ng Cavite City na pansamantalang naka-billet sa Garden Beach Resort ay lumabas ng dakong 3 a.m. upang bumili ng makakain.

Hinarang umano ng grupo ang biktima at sapilitang dinala sa Zeebra Beach Resort na malapit din sa nabanggit na resort at doon umano sinimulang gahasain ng siyam na kabataan at hindi pa nakuntento ay dinala pa siya (biktima) sa pampasaherong jeepney na inupahan ng mga suspek.

At doon isa-isa din umano ginahasa ng grupo ang biktima na hindi umano namalayan ni Romeo Franco, 43, drayber ng pampasaherong jeepney, dahil malayo umano siya sa kanyang jeep at tulog ito, ayon sa report.

Sinabi pa sa report ng pulisya, ang grupong kabataan ay pawang lango umano sa pinagbabawal na gamot at alak nang gawin umano ang panggagahasa sa biktima.

Sa ulat ni Police Officer 1 Florabel Paragas, case investigator ng Olongapo City Police, pinakawalan din ng grupo ang biktima matapos ang ginawa nilang kahalayan at tinakot pa umano siya na huwag magsusumbong sa pulisya.

Sang-ayon sa salaysay ng biktima kay Paragas, siya ay tinakot ng grupo na papatayin umano kaya hindi siya makapalag at hindi na rin nakatawag ng saklolo ng sapilitan itong kaladkarin at gahasahin ng mga suspek.

Narekober ng pulisya ang isang strap ng bra na pag-aaari ng biktima sa loob ng pampasaherong jeep.

Dahil sa reklamong isinampa ng biktima laban sa siyam na kabataan, sila'y inaresto at ikinulong sa Olongapo City Jail, ayon pa sa report.

Mayo 31 nang inatasan ni Olongapo City Prosecutor Prudencio Jalandoni at Inquest Prosecutor Ruel Samonte na i-release ang mga akusado (siyam na kabataan) dahil ang mga ito ay "not lawfully arrested pursuant sa provisions ng Section 5 Rule 113 ng Rules of Criminal Procedures."

Sang-ayon kina Jalandoni at Samonte, nag-lapse na ang oras ng pagkakaditine ng siyam at hindi kaagad sinampahan ng kaso ang mga ito. Ito'y nakasaad sa Ariticle 125 RTC Revised Penal Code.

Sa isinagawang magkahiwalay ng imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU3) nang mangyari ang naturang rape, ang biktima ay kasama ang isang kaibigang kano ay nag-iinuman noon kasama ang siyam na kabataan.

Kung totoo ang ginawang imbestigasyon ng CIDU3, bakit nagkaroon ng report na gang rape ang pulisya?

Nagtataka itong si Jalandoni kung bakit hindi kaagad umano ipina file ang kaso ng pulisya at bakit wala pang imbestigasyon ay hinuli na kaagad ang mga tao.
Na-release ang mga akusado nguni't hindi ibig sabihin na nung pinakawalan ang mga ito ay tapos na yung kaso, iimbestigahan pa rin naman ang mga yan at naka-file pa rin ang kaso, ayon kay Jalandoni.

Ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, nakikipag-ayos umano ang biktima sa mga suspek at humihingi ito ng tig-P200,000 bawat isa sa kanila. Aabot sa halagang P1.8 milyon kung papayag lahat ng siyam na suspek.

Hindi naman napag-alaman ng IO kung natuloy ang magandang usapan sa magkabilang panig.

Sang-ayon sa IO, ang pamilya ng mga suspek ay pawang may kaya o sinasabi sa buhay. Kaya nang nabalitaan na inaresto ang kanilang mga anak ay kaagad na nagsipunta sa Olongapo City.

Kung nakikipag-areglo nga ang biktima sa mga suspek, hindi ba malinaw ito na parang "set-up" ang nangyaring "gang rape" sa Olongapo City? May kinalaman kaya ang mga pulis na nagresponde sa nasabing rape?

Nagtatanong lang po sir. Nguni't kung talagang ni-rape ng siyam ang biktima, hindi ba ang rape case ay isang heinous crime at hindi puwedeng pakawalan ang mga suspek?

Nagtatanong lang po sir.

= = = =

Mga bagong staff officer

Noong Lunes (June 5), binalasa ni Police Regional Director Ismael Rafanan ang ilang tanggapan dito.

Si Oscar Albayalde ang bagong chief ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID). Pinalitan nito si Miguel Laurel na itinalaga naman sa Regional Logistics Office.

Pinalitan din ni Rafanan si Rosueto Ricaforte bilang Regional Mobile Group (RMG3) chief at ang itinalaga dito ay si Keith Singian.

Si Jhoanna Ponseca-Rosales, chief ng Public Information Office (PIO), ay pansamantalang nag-schooling at pinalitan naman ni Baltazar Mamaril.
Ang bagong chief ng Police Community Relation Office ay Virgilio Fabros. Pinalitan nito si Gil Pacia na itinalaga naman sa Olongapo City Police bilang city director.

Ang hindi pa napapalitan na mga staff officer ay sina Abelardo Villacorte, chief ng Regional Operation and Plans Division, Emerito Sarmiento, chief ng Regional Comptrollership Division, at Alfredo Caballes, chief ng Regional Personnel Human Resources and Doctrine Division.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012