Dalawang pulis Morong, pinasibak
1 pang pulis-Bataan sibak
(Nerlie Ledesma ABANTE)
BALANGA CITY, Bataan --- Hindi lamang umano si P/Insp. Ricardo Santiago ang nasibak sa puwesto bilang deputy chief of police ng Morong Municipal Police Station (MPS), matapos ang pagtanggi nito na ipa-arbor kay Morong Mayor Burt Linao ang isa sa mga suspek sa isang kaso ng gang rape, kundi may isa ring pulis sa nasabing bayan ang tinanggal sa puwesto dahil naman sa pagiging ‘instrumento’ nito sa pagkakadakip sa nasabing suspek na anak ng isang political ward leader ng alkalde.
Nabatid na kasama rin sa tinanggal sa Morong-MPS bilang isa sa mga imbestigador doon si SPO2 Vener Tabaquero at inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nagkataon umano na nakasabay ni Tabaquero sa isang bus galing Maynila ang rape suspect na si Allan Villaluna. Agad itong tumawag sa kanilang police station para alamin kung mayroong standing warrant of arrest si Villaluna at nang makumpirmang mayroon, ay pina-hold ang suspek sa Balsik, Hermosa kung saan ito inaresto ng mga awtoridad.
"Tumawag siya (Tabaquero) sa akin, pati raw siya nakainitan ng ‘Boss’ ng Morong," ani Santiago sa Abante.
Si Santiago ay sinibak sa puwesto bilang deputy chief ng Morong-MPS, epektibo noong Hulyo 1, isang araw matapos ang insidente ng pagpapaputok umano ng baril ni Linao sa loob ng kanyang bahay matapos itong mapahiya nang ‘di pagbigyan ni Santiago ang kanyang ‘hiling’ na ipa-custody na lamang sa kanya ang naarestong si Villaluna.
Nilinaw naman kahapon sa Abante ni Sr. Supt. Hernando Zafra, provincial director ng Bataan-PNP, na siya mismo ang nag-relieve kay Santiago at itinalaga niya ito bilang Police Community Relations (PCR) officer ng Provincial Headquarters sa Balanga City.
Binigyan-diin naman ni Supt. Anselmo Baluyot, chief of police ng Morong-MPS, na nagkaroon lamang ng ‘misunderstanding’ sina Linao at Santiago kasabay ang pagsasabing nahahaluan ng pulitika ang nasabing isyu dahil maraming kalaban sa pulitika ng alkalde ang umano’y nakikisakay na rito.
"In fairness kay Mayor (Linao) very cooperative naman siya sa mga pulis, nagkaroon lang sila ng konting misunderstanding ni Santiago, kaya sana ‘wag na natin ‘tong palakihin pa dahil nahahaluan na ng pulitika," ani pa ni Baluyot.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home