KFC VS. JOLLIBEE
Tunay ngang buhay ang magandang takbo ng pagnenegosyo sa lungsod dahil sa pagdating ng mga bagong establisyimento, na nagbubunsod din sa lalong-lumalakas pagpapalakas ng healthy business competition at climate na para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Olongapo.
Kamakailan ay nagbukas na sa Olongapo ang inaabangan at kinasasabikang sikat na fast-food chain, ang Kentucky Fried Chicken o KFC – Olongapo Branch. Pinasinayaan ang bagong tayong gusali ng KFC nitong Hulyo 15, 2006. Ang dalawang-palapag na gusali na agarang naipatayo ay nakapwesto sa Rizal Avenue, malapit sa Ulo ng Apo Rotunda. Si First Lady Anne Marie Gordon at ang mga matataas na opisyales ng KFC ang siyang nagsagawa ng ribbon-cutting sa Grand Opening Day nito. Nagkaroon din ng motorcade at mga give-aways para sa mga unang customers ng restawran. Ayon kay Store Manager Mayette Palomo, marami pang kaaabangan ang mga mamamayan ng Olongapo sa KFC tulad ng pagkakaroon nito ng playland para sa mga bata at mga function rooms para sa mga parties at seminars.
Dahil sa patuloy na pagdagsa at haba ng pila ng mga customers sa KFC, pahayag ni Palomo na “Natutuwa kami sa mainit na pagtanggap ng Olongapo sa KFC, at sana’y magtuluy-tuloy ang magandang pagnenegsyo ng KFC dito.”
Samantala, kaalinsabay naman ng grand opening ng KFC, hindi naman nagpahuli ang Jollibee Ulo ng Apo, dahil maging ito ay nagkaroon ng sariling motorcade at mini-program sa labas ng kanilang outlet. Ang Jollibee, na walong-taon na sa Olongapo, ay patuloy pa ring tinatangkilik lalo pa ng mga bata, at malakas pa rin ang negosyo. Kamakailan lamang ay naparangalan ito bilang Business Permit Awardee ng lungsod dahil sa magandang kontribusyon nito sa ekonomiya ng lungsod.
Panalo naman ang mga customers dahil kapwa magagandang offer at masasarap na pagkain ang alok ng magkalapit na restawran kaya’t enjoy na enjoy kapwa ang mga bata’t matatanda.
Sa isang panayam kay Mayor James “Bong” Gordon Jr., inihayag nito na “Ang pagpasok ng KFC ay indikasyon lamang na masigla ang ekonomiya dito sa atin.” Saad din niya na “Makikinabang din ang mga mamamayan sa business competition na bunsod nito, dahil sa mas maraming pagpipilian at mas magagandang promo offer para sa mga customer. Lahat tayo ay may pakinabang,” pagtatapos ni Mayor Gordon.
Magugunitang sa administrasyon ni Mayor Bong Gordon, nagsipasukan sa Olongapo ang mga food chians tulad ng Kenny rogers, Henlin, Red Ribbon, at iba pa. Nais ring magbukas ng Burger King at nais namang magbalik ng Shakey’s Pizza.

City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home