MOMMY CABLING, BINIGYANG-PUGAY!
Isang pagpupugay sa katangi-tanging kawani ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Olongapo ang ibinigay kay Gng. Flora Flores Cabling, mas kilala ng lahat sa tawag na “Mommy Cabling”. Sa isang Resolusyon na inilabas ng Sangguniang Panlungsod, kinilala nito ang mga kontribusyon ni Mommy Cabling sa pagseserbisyo-publiko, at ang pakikiramay sa pagdadalamhati ng mga naulila nito dahil sa kanyang pagpanaw. Ang kopya ng Resolusyon ay ibinigay sa kanyang pamilya noong Hulyo 20, 2006 sa ginanap na necrological rites sa Olongapo City Hall.
Si Mommy Cabling ay namayapa nitong Hulyo 16, 2006 sa edad na 80 taong gulang. Siya ay nanunungkulan bilang Technical Assistant/Consultant ng Office of the City Mayor, posisyon na kanyang hawak hanggang sa kanyang huling sandali. Si Mommy ang pinagkakatiwalaang writer/Technical Assistant ng magagaling na pinuno ng lungsod mula noong manungkulan siya kay dating Mayor at ngayo’y Senador Richard Gordon noong 1982.
Isa rin siya sa mga itinuturing na orihinal na residente ng Olongapo at sa kanyang matalas na memorya at pag-aala-ala, si Mrs. Cabling ay itinuturing na city historian, dahil sa kanyang detalyadong paglalarawan ng kasaysayan ng Olongapo at hanggang sa kasalukuyang kaunlarang tinamasa nito, na kanyang isinulat para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
Dinaluhan nina Mayor James “Bong” Gordon Jr., dating Mayor Katherine Gordon, at Sen. Richard J. Gordon ang paglilibing sa mga labi ni Mommy Cabling na inihatid sa kanyang huling hantungan sa Olongapo Memorial Park noong Hulyo 22, 2006.

Sinaksihan ni Mayor Bong Gordon ang paggawad ng ilang Sangguniang members ng sipi ng Resolusyon na kumikilala sa mga kontribusyon ng namayapang si Flora Cabling sa kanyang mga naiwanang anak sa pangunguna ni Norma Cabling-Thompson (kinamayan ni Kgd. Cynthia Cajudo). Isinagawa ang necrological rites ni Mommy Cabling sa FMA Hall nitong ika-20 ng Hulyo 2006.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home