Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, August 27, 2006

AMERICAN SAILORS, NAG-ENJOY SA OLONGAPO!

Kamakailan lamang ay dumaong sa Subic Bay Freeport Zone ang mahigit sa 2000 sundalong Pilipino at Amerikano na sumali sa CARAT o Cooperation Afloat Readiness and Training 2006.

Bunga ng paghikayat ni Mayor James Bong Gordon Jr., nitong mga nakaraang araw ay may mga Amerikanong namasyal sa lungsod. Maraming navy officers ang namataan na kumakain sa mga fastfoods at restaurants. May mga sailors din na namili ng souvenier items at iba’t-ibang produkto sa tindihan, pamilihan at sa mall.

“People here are so nice and accommodating and the food is great. Last night, I tasted one of your dishes, I think it’s called adobo, and it’s very good,” wika ng isang Amerikanong sailor na namataang nag-iikot sa Olongapo City Mall.

Samantala, sinamahan naman ni Mayor Bong Gordon at First Lady Anne Gordon ang mga Navy Officers na mag-disco sa business establishment sa lungsod. Ito ay upang maipakita na ang lungsod ay ligtas na lugar para sa negosyo at pasyalan.

Masayang kahalubilo ni Mayor Bong Gordon ang mga Amerikanong opisyales ng CARAT 2006 sa Sam’s Pizza sa RM Drive. Kasama rin ni Mayor Gordon sina First Lady Anne Marie Gordon at Olongapo Business Association President Sammy del Rosario. INSET: Si Mayor Gordon kasama si Capt. Al Collins ang Commander ng Destroyer Squadron 1.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012