GAWANG ‘GAPO, ISANG TAON NA!
Naging center of attraction para sa mall-goers at window shoppers ang mga nag-gagandahan at makukulay na produktong matatagpuan ngayon sa lobby ng Olongapo City Mall.
Ang tradefair mula ika-23 hanggang 31 ng Agosto 2006 ay ang highlight ng unang taong anibersaryo ng Gawang ‘Gapo (Made in Olongapo City) Product Exhibit na sinimulan sa pamamagitan ng isang motorcade na naging hudyat ng week-long celebration nito.
Ang tradefair na may dalawampung (20) kalahok na exhibitors ay binuksan sa pamamagitan ng ribbon cutting na pinangunahan ni First Lady Anne Marie Gordon bilang kinatawan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr., ‘’Isa sa pangunahing programa ni Mayor Bong Gordon ang iangat at palakasin ang Small and Medium Enterprises (SME) sa Lungsod ng Olongapo,’’ mensahe ng First Lady.
‘’Ang Gawang ‘Gapo ang nagiging venue para sa mga SME ng lungsod na ipakita ang kanilang produkto at tumuklas ng produktong tatatak sa isipan na talaga namang gawa ng mga Olongapeños,’’ dagdag pa ni First Lady Anne.
Kabilang sa nakiisa sa selebrasyon sina Acting City Administrator Ferdie Magrata, City Mall Administrator Norie Gomez, Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Marilou Fermin, ilang opisyales ng barangay at negosyante ng lungsod.
Ang Gawang ‘Gapo Product Exhibit ay inisyatiba ni Mayor Bong Gordon na nagbigay atas sa Livelihood Cooperative and Development Office (LCDO) sa pamumuno ni Aileen Cuevas-Sanchez na lumikha ng mga produktong magiging trademark ng Olongapo at tatatak sa isipan ng bawat Pilipino at dayuhan.
Ang Gawang ‘Gapo Booth sa Lobby ng City Hall ay lugar para sa mga entrepreneur ng lungsod na may tig-limang araw na pagkakataong ipakita ang kanilang natatanging produkto kung saan ang mga opisyales, kawani at bisita ng City Hall ang target market nito.
Buhat ng buksan ang booth noong ika-23 ng Agosto 2005 ay umabot na sa limampung (50) exhibitors ang ipinakilala, lumikha ng pangalan at nagkaron ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang negosyo sa agapay na rin ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo.

Pinangunahan ni First Lady Anne Marie Gordon ang paggunita ng 1st Year Anniversary ng Gawang ‘Gapo na tinampukan ng Product Exhibit nitong ika-23 hanggang 31 Agosto 2006 sa Lobby ng City Mall. Kabilang rin sa nagsagawa ng ribbon-cutting sina DTI Provincial Dir. Marilou Fermin, Acting City Administrator Fermie Magrata, LCDO Head Aileen Sanchez, City Mall Administrator Norie Gomez at iba pang opisyales ng barangay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home