Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 21, 2006

US envoy: Walang aregluhan kina 'Nicole' at 'Joc-joc'

Dalawang magkaibang usapin umano ang pilit na iniuugnay na kaso ni dating agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-joc” Bolante at ang Subic rape case, anang embahador ng Estados Unidos sa Maynila.

"There's simply no connection between the two. They're just not related at all," pahayag ni US Ambassador Kristie Kenney.

Ito umano ang iginiit ni Kenney nang humarap sa programang “Strictly Politics” sa ANC kaugnay sa maugong na balitang may plano ang pamahalaan na makipag-areglo sa pamilya ng biktima ng Subic rape case kapalit ng kaso ni Bolante sa US.

"I've read that in the papers. The two cases have no connection, you know. The Bolante case is a case concerning violation of US immigration laws in the US, [it is] being [heard] in the US court with a US judge. The Subic case is being heard in the Philippines under a Philippine judge," sabi pa ni Kenney.

Umaasa umano si Kenney na magiging patas ang pagdinig sa Subic rape case habang ipinaabot din nito ang pakikisimpatiya sa pamilya ng biktima at ng US marines na sangkot sa kaso.

"It's a difficult and emotional case. I actually feel like it's been difficult for those all involved. And I really have a lot of sympathy for the families. It must really been difficult."

Tumanggi naman si Kenney na magbigay ng anumang komento hinggil sa tunay na dahilan ng pagkakaaresto ni Bolante sa US.

"For privacy reasons, we never talk about who or who don't have a visa and why," dagdag pa nito.

Si Bolante ay inaresto noong Hulyo 7 sa Los Angeles International Airport matapos dumating mula Seoul, Korea dahil sa kanselado umanong B1/B2 visa niya. Ang ex-agriculture official na nahaharap sa P728-million fertilizer fund ay nakakulong ngayon sa Kenosha County Detention Center sa Wisconsin.

Idinagdag pa ni Kenney sa ekslusibong panayam na hindi niya tiyak kung mapagbibigyan si Bolante sa hiling na asylum sa US.

"The policy is each case is looked at separately. Experts, and I'm not one of them, will look at what grounds and are those grounds valid, do they have good merit," paliwanag ng US envoy.

Samantala, nababahala din ang US ukol sa laganap na pagpatay sa mga mamamahayag at aktibista sa bansa.

"Frankly, every time people are killed, it's murder. And it has to be investigated and people have to be brought to justice," aniya.

Kinatigan naman ni Kenney ang pagbuo ng pamahalaan ng Melo Commission na makapagbibigay-linaw sa kung sino ang nasa likod ng mga insidente ng pamamaslang sa bansa. Bandila

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012