MAYOR BONG GORDON AT PREDA, MAGKASANGGA!
Nagtipon ang mahigit tatlongdaang (300) kabataan ng lungsod nitong ika-26 at 27 ng Oktubre 2006 sa Olongapo City Convention Center, Function Room.
Ang forum na pinangunahan ng People’s Recovery Empowerment and Development Assistance Foundation (PREDA) na may temang Youth Forum on the Social Teachings of the Church ay tumalakay sa partisipasyon ng mga kabataan sa promosyon ng karapatang pantao o Human Rights at ang pagtuturo ng simbahan kaugnay rito.
Higit na mabunga ang ginanap na pulong ng dumating si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na nagbigay mensaheng, ‘’Dapat ninyong pahalagahan ang values na itinuturo ng inyong magulang, paaralan at simbahan’’
‘’Nakikita ko ang inyong concern sa ating lungsod sana ang adhikain na ito ay hindi mawawala sa inyo dahil ang kabataang-Olongapeño ay angat saan mang larangan,’’ dagdag pa ni Mayor Bong Gordon.
Sa dalawang (2) araw na forum ay tatalakayin rin ang ibat-ibang aspeto ng karapatang-pantao at ang inaantabayanang Lakad-kabataan Tungo sa Karapatan na lalahukan ng mga kabataan sa pangunguna ni PREDA Co-founder at Program Director Alex Corpus Hermoso. Sa pamamagitan ng isang token ay nagpa-abot ng pasasalamat ang foundation na pinamumunuan ni PREDA Executive Director Father Shay Cullen

0 Comments:
Post a Comment
<< Home