Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, October 25, 2006

MGA BOMBERO NG LUNGSOD NAGPASALAMAT KAY MAYOR BONG

Isang pagkikilala ang iginawad ng Bureau of Fire sa pamamagitan ni Bureau of Fire Chief Director Rogelio Asignado kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-23 ng Oktubre 2006 sa Rizal Triangle Covered Court.

Ang Certificate of Appreciation na iniabot ni Olongapo City Bureau of Fire Chief Gary Alto ay pasasalamat ng mga opisyales at kawani ng bureau sa patuloy na suportang ibinibigay ng pamahalaang lokal. Ito ay kaugnay sa completed construction ng dalawang (2) palapag na gusali ng ahensiya na pinasinayanan taong 2005.

‘’Kabilang ang Bureau of Fire building sa aking priority projects kaya hindi ko binigo ang mga bombero at mamamayan ng lungsod,’’ wika ni Mayor Bong Gordon sa harap ng mga opisyales at kawani ng City Hall sa Flag Raising Ceremony.

‘’Upang mabilis silang makatugon sa mga responde kailangan ay meron silang maayos na gusali. Marami pa tayong isasaayos na mga tanggapan ng pamahalaan iisa-isahin natin lahat yan,’’dagdag pa ng punonglungsod.

Maliban sa gusali ay halos lahat ng mga pangangailangan ng bureau ay agaran ring natutugunan. ‘’Kaya inspirado kaming magtrabaho dahil lahat ng aming pangangailangan ay natutugunan ng pamahalaang lokal sa ilalim ni Mayor Gordon,’’ wika ni Fire Chief Alto.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012