Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, October 21, 2006

SALUBONG SA UNDAS 2006, PREPARADO NA!

‘’Bantayan natin ang kapakanan at kaligtasan ng mga kababayan natin na tutungo sa mga sementeryo,’’ yan ang pag-aalalang sinabi ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-17 ng Oktubre 2006 sa FMA Hall.

Sa pulong kasama ang mga department heads ay binigyang-atas ni Mayor Bong Gordon ang ibat-ibang departamento partikular na ang Disaster Management Office (DMO) sa pangunguna ni DMO Head Angie Layug na syang mangunguna sa binuong ‘’Task Force Oplan Kaluluwa 2006’’.

Maging ang PNP-Olongapo na syang mangangalaga sa peace and order ay anatasan rin ni Mayor Gordon ng full police visibility sa Olongapo City Public Cemetery, Olongapo City Memorial Park at Heritage Garden

Kabilang rin sa composite teams ay ang City Health Office (CHO), Environmental Sanitation and Management Office (ESMO), City Social Welfare and Development Office (CSWD), Public Utilities Department (PUD), City Planning and Development Office (CPDO), City Engineering Office (CEO), Public Affairs Office (PAO), Radio Communication Groups at NGOs.


Magpapakalat rin ng mga kinatawan ng barangay na iikot sa mga residential areas. ‘’Bagamat marami sa atin ang tutungo sa sementeryo kailangan ay ligtas pa rin nating iiwanang tahanan laban sa mga magnanakaw,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Nabuksan rin sa isinagawang pulong ang pangangailangan ng pagdaragdag ng mangangalaga sa pampublikong sementeryo. ‘’Kailangan ay mapangalagaan natin ang kalinisan at kaligtasan ng Public Cemetery at inatasan ko na rin ang City Health Office na magtalaga pa ng caretaker sa lugar,’’ dagdag pa ni Mayor Bong Gordon.

Ang Olongapo ay mayaman sa turismo kaya nais ni Mayor Gordon na ang Olongapo City Public Cemetery ay maging isang tourist destination na hindi lamang pinapasyalan isang beses isang taon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012