VANDALS, MAGBAGO NA KAYO!
Muling pinag-tuunan ng pansin ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga vandals na walang pakundangang ginagawang papel ang mga pribado at pampublikong pader at bakod sa lungsod.
Ang mga naglalakihang mga letra ay malimit na nakikita ni Mayor Bong Gordon sa tuwing magsasagawa ng jogging ang buong tropa ng jog-inspection team sa ibat-ibang lansangan sa Olongapo.
‘’Walang mangyayari sa ating ginagawang pagsasa-ayos at paglilinis sa ating lungsod kung patuloy itong sisirain ng iilan. Walang ibang magmamalasakit sa Olongapo kundi Olongapeños kaya magtulungan tayo,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Maaalala na nag-alok si Mayor Gordon ng limang libong pisong (P 5,000) pabuya sa mga makakapag-turo sa mga vandals. Magugunita rin na may ordinansa ang pamahalaang lungsod, bilang City Ordinance # 7 (Series of 1967) na nagbabawal sa vandalism o grafitti.
Sa mga makakapag-turo sa gumagawa ng maling gawi na ito ay maaaring tumawag sa telepono bilang 222 – 2565/ 222-2206/222-2232 o tumungo sa Mayor’s Office upang magbigay ng detalye at kung mahuhuli ang vandal, maaaring ma-claim ang limang libong pisong (P 5, 000.oo) pabuya.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home