Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, October 22, 2006

93 GRADUATES SA COMPUTER

Inspirasyon at pag-asa ang iniwang mensahe ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa siyamnaput-tatlong (93) nagsipagtapos na mag-aaral ng Sta Rita Computer Learning Center.

‘’Matapos ang inyong computer training sa inyong barangay sana ay magamit ninyo ito upang makatulong sa inyong pamilya,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

‘’Maraming ibinibigay na libreng training ang ating pamahalaan kabilang na ang welding dahil maraming naglalakihang proyekto ngayon ang dumadating sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) at Olongapo na ang prayoridad ay mga Olongapeño,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Ang graduation na isinagawa nitong ika-20 ng Oktubre 2006 sa Sta Rita Covered Court ay ang mga residente ng Brgy. Sta Rita na sumailalim sa walong (8) buwan na libreng computer training.

Sa mga nagsipagtapos si Lanny Villanueva, 73 years old ang naitalang pinaka-matanda na tumayong inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral nito na nagpapakita na hindi hadlang ang edad sa taong may ambisyon.

Samantala, dumalo rin sa programa si Kgd. Bella Asunsion at Sta Rita Brgy. Capt. Gomer Sundiam kasama ang mga opisyales nito na nagwikang, ‘’Ang Computer Learning Center ay para sa mga residente ng Brgy. Sta Rita na nais mag-aral at matuto. Tumungo lamang kayo sa ating barangay hall at maging bahagi ng training’’

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012