MOBILE PASSPORTING NI MAYOR BONG , MATAGUMPAY!
Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang Mobile Passporting na hatid ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. para sa mga mamamayan ng Olongapo at maging sa mga taga- Zambales at Bataan nitong ika-7 ng Oktubre 2006.
Sa pamamagitan ng mahigit tatlumpong (30) kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni DFA Team Leader Jerry Yambao ay na-proseso ang mahigit isanglibong (1,000) pasaporte.
Maaga pa lamang ay napuno na ang harapang-bahagi ng Olongapo City Convention Center na nagsimulang tumanggap ng passport application forms alas-8 ng umaga hanggang alas alas-2 ng hapon para sa processing na agarang nasundan ng distribusyon ng mga pasaporte para sa mga kwalipikadong aplikante na umabot ng alas-8 ng gabi.
Ang One-day Mobile Passporting ay isa lamang sa regalo ni Mayor Bong Gordon sa mga residente ng lungsod sa kanyang kaarawan nitong October 1, 2006. ‘’Naiintindihan ko na marami sa inyo ang nais tumungo sa ibayong-dagat upang magtrabaho at ang passport ang isa sa pangunahing requirements dito,’’ wika ni Mayor Gordon.
‘’Hindi na ninyo kailangan pang tumungo sa Pasay City o Clark dahil dinala na natin sa Olongapo ang Department of Foreign Affairs at malaking tipid ito sa inyong gastusin at panahon,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Marami sa mga aplikante ang nakapansin sa maayos na ipinatupad na sistema na nagbunga sa mabilis na proseso. “Napaka-sistematiko ng Mobile Passporting ni Mayor Bong Gordon,’’ sambit ng isang passport applicant.
Maging ang mga DFA officials ay humanga rin sa mobile passporting ng lungsod dahil kung ikukumpara sa ibang lugar na kanila ng tinungo ay di-hamak na mas maayos ang isinagawang passporting at iilan lamang ang dis-approved applicants.
Matatandaan na matagumpay ring isinagawa ang Mobile Passporting noong ika-4 at ika-18 ng Pebrero 2006 kung saan nagpamahagi na ng mahigit dalawanglibo at animnaraang (2,600) pasaporte.

Sa Olongapo City Convention Center nag-aantabay ang mga qualified applicants para sa releasing ng kanilang pasaporte. INSET:1) DFA official sa processing ng passport 2) Si Mayor Bong Gordon ang mismong nag-abot sa unang sampung (10) recipients ng passport 3) Kaagapay ang ilang kawani ng City Hall sa evaluation ng DFA application forms.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home