‘GOOD SAMARITAN’ NG ‘GAPO
Bunga ng kanyang kababaang-loob at pagiging matulungin sa kapwa ay nangibabaw ang galing ng isang residente ng lungsod sa isa sa mga programa ng Abs-Cbn channel 2.
Sa programang ‘’Noypi-Ikaw ba Ito? ay nakita ang magandang-asal ni Alfredo Pielago, Jr., 37 taong gulang, residente ng Brgy. Gordon Heights na tumulong sa nagkunwaring may nakakahawang sakit sa balat na si Pinoy Big Brother winner Nene Tamayo.
Gamit ang hidden camera, prosthetics at saklay ay tinungo ng tinaguriang ‘’kasabwat’’ na si Nene ang lansangan upang makita ang level of social consciousness ng ‘Pinoy at kung hanggang sa ngayon ay taglay pa rin ng mga ito ang old Filipino traits na pagiging magalang, matulungin at maawain.
Sa dalawang (2) oras sa lansangan ng Quezon City ng ‘’kasabwat’’, dalawampu (20) ang dumaan sa kanyang harapan, apat (4) lamang ang tumulong sa pamamagitan ng pagbigay ng pamasahe samantalang ang iba naman ay nagbigay ng inumin.
Sa apat na ito, tanging si Alfredo Pielago, Jr. ang umalalay, nagpa-kain at bumili ng gamot sa ‘’kasabwat base sa kaniyang kahilingan. Sa huli ito ay ipina-alam na kay Pielago na dahil sa kanyang ipinakitang kagandahang-asal ay siyang napili bilang ‘’Good Samaritan’’ ng programa.
Sinuklian ng ‘’Noypi’’ ang positibong ipinakita ni Pielago sa pamamagitan ng pagbigay ng pang-kabuhayan showcase at ang pagbati ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na personal na tumungo sa tahanan ng Good Samaritan.
Upang maging inspirasyon sa marami, ay ipinakilala ni Mayor Gordon si Alfredo Pielago kasama ang kanyang pamilya sa mga opisyales at kawani ng City Hall nitong ika-27 ng Nobyembre 2006 sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Covered Court.
‘’Muli na namang nangibabaw ang kabutihan ng Olongapeño sa katauhan ni Alfredo sana ay maging katulad niya tayo sa lahat ng pagkakataon,’’ pagmamalaki ni Mayor Gordon.
Bilang pagpapahalaga ay nag-abot rin ng cash incentive ang punonglungsod, ‘’Hindi matutumbasan ng halaga ang kabutihang-asal na ipinakita ni Alfredo ngunit makakatulong na rin ang halagang ito bilang pandagdag sa pangkabuhayan showcase na kanyang natanggap sa proramang ‘’Noypi,’’ dagdag pa ni Mayor Bong Gordon.
Si Pielago ay isang massage therapist na tumungo sa ka-Maynilaan dahil sa imbitasyon ng isang kliyente. Siya ay bibigyan rin ng trabaho ng punonglungsod sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO). ‘’Hindi ako nagdadalawang-isip na tumulong basta kaya ko. Magagawa rin ito ng marami sa atin,’’ wika ni Pielago.

Nasa larawan (mula sa kaliwa) sina Noypi-Ikaw Ba Ito? host Gabe Mercado, Mayor Bong Gordon, ang tinaguriang Good Samaritan ng programa na si Alfredo Pielago, Jr. kasama ang kanyang pamilya at ang pang-kabuhayan showcase bilang reward sa kanyang ipinakitang magandang-asal sa nangangailangan ng tulong.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home