Paputok, Walang Magandang Dulot!
Sa pagdating ng panahon ng Kapaskuhan at Bagong-Taon, karaniwan nang nakikita ang mga paputok na itinitinda sa mga palengke at iba’t-ibang tindahan sa bansa. Para sa isang bansang nagsasabing kapos sa pagtustos sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan, ang pagbili at paggamit ng paputok upang magselebra ay maituturing na impraktikal at animo’y “pagsunog” sa perang dapat sana’y naibili ng pagkain at ibang pangangailangan ng pamilyang salat sa pagkukunan.
Iba’t-ibang klase ng paputok ang lumalabas sa merkado pagtapak ng buwan ng “Ber” sa Pilipinas. “Bukod sa lubhang magastos ang pagbili ng mga firecrakers, mapanganib din ang paggamit nito para sa taong nagpapaputok, sa mga taong nanonood lamang at para na rin sa mga ari-arian o properties,” ayon kay Mayor James “Bong” Gordon Jr.
Ang gagawing pagpapatupad ng mga City Ordinances tungkol sa pagbabawal sa pagtitinda at paggamit ng paputok sa Olongapo ay dulot na rin ng mga sakuna at walang saysay na paggastos sa firecrackers. Base sa pag-aaral sa presyo ng paputok sa merkado noong nakaraang taon, makabibili na ng 1 at kalahating kilong bigas ang isang pamilya sa presyo ng isang Judas Belt lamang (P35.00), 1-2 de-lata naman ang katumbas ng isang kahon ng watusi (P25.00-50.00) at higit na maraming pagkain 0 gamit sa eskwela ang katumbas ng pagpapaputok sa 100 Super-lolo (P400.00).
Table 1. Mga Gastusin sa Ospital kapag naputukan*
Gamot
(emergency) Doktor Kwarto Gamot
(maintenance)
P500-2,000 P200-1,000
kada araw P200-1,000
kada araw P500-2,000
* hindi kasama sa datos ang presyo ng surgery o operasyon
Ang tao namang naputukan ay kailangang gumastos ng libong piso upang maipagamot ang sarili sa ospital. Wala namang katumbas na halaga ang bahagi ng katawan na maaarng mapinsala o maputol sanhi ng paggamit ng paputok.
Ayon naman sa pag-aaral sa India, ang sobrang ingay ng paputok ay may masamang dulot sa tainga lalo na ng mga bata na maaaring maging sanhi ng diprensya sa pandinig o maging pagkabingi. Higit namang panganib ang dala ng “watusi” na may taglay na yellow phosphorous, trinitrololuene (TNT), potassium nitratre at potassium chlorate lahat ay nakalalason kapag aksidenteng napasama sa sistema ng tao.
Samantala, sa China, ang pinakamaking exporter ngayon ng paputok sa buong mundo (na kumukita ng US$1.2 milyon kada taon) ay nagpataw sa kanilang mga syudad ng pagbabawal sa paggamit ng paputok mula pa noong 1994. Sa katunayan, ipinagbawal sa 282 lugar sa China ang paggamit at paggawa ng paputok dahil na rin sa mga sakunang dulot ng aksidente sa paputok sa naturang bansa (Xinhua News Agency, February 11, 2003).

0 Comments:
Post a Comment
<< Home