BARANGAY CONSULTATION, PATULOY!
Sa kagustuhan ni Mayor James "Bong" Gordon Jr. na marinig ang saloobin at makasalamuha ang mga kababayang taga Olongapo ay patuloy nyang isinasagawa ang mga pagpunta sa mga barangay sa lungsod.
Noong ika-19 ng Enero, 2007 ay sinadya ni Mayor Gordon ang mga taga-Tabacuhan, Sta. Rita upang magsagawa ng barangay consultation kung saan dumagsa ang mga residente upang makadaupang-palad at ma-iparating sa kanya ang kanilang mga suliranin at hinaing.
Napuno naman ang covered court ng Barangay Gordon Heights ng mga residenteng nais makausap si Mayor Gordon nang magsagawa ng consultation sa nasabing barangay nang sumunod na araw.
" Natutuwa ako sa pakikiisang ipinapakita ng mga Olongapeño sa mga programang inilulunsad ko upang maabot sila at malaman ko ang kanilang mga problema," wika ni Mayor Gordon. " Kailangan lamang nating magtulungan upang masolusyunan ang lahat ng sulirainin," dagdag pa ni Mayor Gordon

1 Comments:
Mayor,
Salamat sa directang pag dinig nyo sa mga kababayan natin sa olongapo,,sana po at ipagpatuloy nyo ang maganda at patas na gawain sa ating lungsod,
God Bless
By Anonymous, at 4/19/2008 4:04 PM
Post a Comment
<< Home