Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, February 05, 2007

WANTED "OUTSTANDING OLONGAPEŇO 2006"

Isang malaking katanungan ngayon ang nag-aantay ng kasagutan-”Sino ang mga tatanghaling karapat-dapat sa titulong Outstanding Olongapeňos 2006?.”

Ang Barangay Councilors League of the Philppines (BCLP)-Olongapo City Chapter sa pakikipag-tulungan ng Olongapo City Government sa pangunguna ni City Mayor James “Bong”Gordon, Jr. ang naglunsad ng Search for Outstanding Olongapeňos.

Nagpahayag naman ng extension of filing of nominees si BCLP-OC Pres. Cesar Santiago hanggang sa ika-10 ng Marso 2007 upang higit na mabigyan ang mga kwalipikadong indibidwal at organisasyon na mapabilang sa kompetisyon.

Ang Search for Outstanding Olongapeňos ay hinati sa anim (6) na kategorya kabilang na ang Legal, Medicine, Doctor of Medical Dentistry, Non-Government Organization (NGO), Entrepreneurship at Education. Sa ilalim ng kategorya ng edukasyon ay apat (4) ang pararangalan, dalawang (2) punong-guro at dalawang (2) guro na manggagaling sa elementary at secondary level ng pribado at pampublikong paaralan sa lungsod.
Gagawaran rin ng Special Awards ang mga Olongapeños na sina Abner Mercado ng programang “The Correspondence”ng Abs-Cbn Channel 2 para sa Journalism at Glady's Guevarra ng GMA Channel 7 para sa Entertainment na parehong nakilala sa kanilang field of expertise.

Ibabase ang puntos sa mga isinumiting dokumento ng mga nominado na batay sa kanilang Community Service (50%), Professionalism (15%), Personality & Social Background (15%), Previous awards given by NGO/GO/Church & Religious Organization (15%) at Entry Presentation (5%).

Maliban sa prestiyosong titulo ay makakatanggap rin ang mga magwawagi sa bawat kategorya ng cash at “Ulo ng Apo”trophy at citation and medal of merit naman ang lahat ng mga finalists. Ang awarding ay gaganapin sa ika-15 ng Marso 2007 sa Olongapo City Convention Center.
Samantala, sa mga nais mag-sumite ng kanilang nominasyon ay maaaring tumungo sa Department of Interior and Local Government (DILG) Office na matatagpuan sa 3rd Floor, City Hall Building o tumawag sa 222-3353

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012